Huwag kang mabalisa dahil sa masama; huwag mong kainggitan liko nilang gawa. Katulad ng damo, sila'y malalanta, tulad ng halaman, matutuyo sila. Umasa ka sa Diyos, ang mabuti'y gawin, at mananahan kang ligtas sa lupain. Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan. Ang iyong sarili'y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala. Ang kabutihan mo ay magliliwanag, katulad ng araw kung tanghaling-tapat. Sa harap ni Yahweh ay pumanatag ka, maging matiyagang maghintay sa kanya; huwag mong kainggitan ang gumiginhawa, sa likong paraan, umunlad man sila. Huwag kang mapopoot ni mababalisa, iyang pagkagalit, iwasan mo sana; walang kabutihang makakamtan ka.
Basahin Mga Awit 37
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 37:1-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas