Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 37:1-8

MGA AWIT 37:1-8 ABTAG

Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan, Ni managhili ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan. Sapagka't sila'y madaling puputuling gaya ng damo, At matutuyong gaya ng sariwang damo. Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti; Tumahan ka sa lupain, at gawin mong kumain sa kaniyang pagkatapat. Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; At bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso. Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon; Tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin. At kaniyang palalabasing gaya ng liwanag ang iyong katuwiran, At ang iyong kahatulan ay gaya ng katanghaliang tapat. Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, at maghintay kang may pagtitiis sa kaniya: Huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa kaniyang lakad, Dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha. Maglikat ka ng pagkagalit, at bayaan mo ang poot: Huwag kang mabalisa, iya'y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 37:1-8