Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 37:1-8

MGA AWIT 37:1-8 ABTAG01

Huwag kang mabalisa dahil sa masasama, huwag kang managhili sa mga masama ang gawa! Sapagkat gaya ng damo sila'y dagling maglalaho, at gaya ng luntiang halaman, sila'y matutuyo. Magtiwala ka sa PANGINOON, at gumawa ka ng kabutihan; upang ikaw ay makapanirahan sa lupain at magtamasa ng katiwasayan. Sa PANGINOON ikaw ay magpakaligaya, at ang mga nasa ng iyong puso sa iyo'y ibibigay niya. Ipagkatiwala mo ang iyong lakad sa PANGINOON; magtiwala ka sa kanya, at siya'y gagawa. Ang iyong pagiging walang-sala ay pakikinangin niyang gaya ng liwanag, at ang iyong pagiging matuwid na gaya ng katanghaliang-tapat. Ikaw ay manahimik sa PANGINOON, at matiyaga kang maghintay sa kanya: huwag kang mabalisa sa gumiginhawa sa lakad niya, dahil sa taong nagsasagawa ng masamang pakana. Iwasan mo ang pagkagalit, at ang poot ay iyong talikdan! Huwag kang maghimutok, ito'y maghahatid lamang sa kasamaan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 37:1-8