Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 22:1-11

Mga Awit 22:1-11 RTPV05

O Diyos ko! Diyos ko! Bakit mo ako pinabayaan? Sumisigaw ako ng saklolo, ngunit bakit di mo ako tinutulungan? Araw-gabi'y tumatawag ako sa iyo, O Diyos, di ako mapanatag, di ka man lang sumasagot. Ngunit ikaw ang Banal na pinaparangalan, at sa Israel ikaw ay pinapupurihan. Ang mga ninuno nami'y nagtiwala sa iyo, sa iyo umasa kaya sila'y iniligtas mo. Tumawag sila sa iyo at sa panganib ay nakawala, nagtiwala sila sa iyo at di naman sila napahiya. Ngunit ako'y parang uod at hindi na isang tao, hinahamak at pinagtatawanan ng kahit na sino! Pinagtatawanan ako ng bawat makakita sa akin, inilalabas ang kanilang dila at sila'y pailing-iling. Sabi nila, “Nagtiwala siya kay Yahweh; hayaang iligtas siya nito. Kung talagang mahal siya nito, darating ang kanyang saklolo!” Noong ako ay iluwal, Ikaw, O Diyos, ang patnubay, magmula sa pagkabata, ako'y iyong iningatan. Mula nang ako'y isilang, sa iyo na umaasa, mula nang ipanganak, ikaw lang ang Diyos na kilala. Huwag mo akong lilisanin, huwag mo akong iiwanan, pagkat walang sasaklolo sa papalapit na kapahamakan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 22:1-11

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya