Mga Awit 22:1-11
Mga Awit 22:1-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
O Diyos ko! Diyos ko! Bakit mo ako pinabayaan? Sumisigaw ako ng saklolo, ngunit bakit di mo ako tinutulungan? Araw-gabi'y tumatawag ako sa iyo, O Diyos, di ako mapanatag, di ka man lang sumasagot. Ngunit ikaw ang Banal na pinaparangalan, at sa Israel ikaw ay pinapupurihan. Ang mga ninuno nami'y nagtiwala sa iyo, sa iyo umasa kaya sila'y iniligtas mo. Tumawag sila sa iyo at sa panganib ay nakawala, nagtiwala sila sa iyo at di naman sila napahiya. Ngunit ako'y parang uod at hindi na isang tao, hinahamak at pinagtatawanan ng kahit na sino! Pinagtatawanan ako ng bawat makakita sa akin, inilalabas ang kanilang dila at sila'y pailing-iling. Sabi nila, “Nagtiwala siya kay Yahweh; hayaang iligtas siya nito. Kung talagang mahal siya nito, darating ang kanyang saklolo!” Noong ako ay iluwal, Ikaw, O Diyos, ang patnubay, magmula sa pagkabata, ako'y iyong iningatan. Mula nang ako'y isilang, sa iyo na umaasa, mula nang ipanganak, ikaw lang ang Diyos na kilala. Huwag mo akong lilisanin, huwag mo akong iiwanan, pagkat walang sasaklolo sa papalapit na kapahamakan.
Mga Awit 22:1-11 Ang Salita ng Dios (ASND)
Dios ko! Dios ko! Bakit nʼyo ako pinabayaan? Bakit kay layo nʼyo sa akin? Dumadaing ako sa hirap, ngunit hindi nʼyo pa rin ako tinutulungan. Dios ko, araw-gabiʼy tumatawag ako sa inyo, ngunit hindi nʼyo ako sinasagot, kaya wala akong kapahingahan. Ngunit banal ka, at nakaluklok ka sa iyong trono, at pinupuri ng mga Israelita. Ang aming mga ninuno ay sa inyo nagtiwala, at silaʼy inyong iniligtas. Tinulungan nʼyo sila nang sila ay tumawag sa inyo. Sila ay nagtiwala at hindi nabigo. Akoʼy hinahamak at hinihiya ng mga tao. Sinasabi nila na para akong higad at hindi tao. Bawat makakita sa akin ay nangungutya, nang-aasar, at iiling-iling na nagsasabi, “Hindi baʼt nagtitiwala ka sa PANGINOON, bakit hindi ka niya iniligtas? Hindi baʼt nalulugod siya sa iyo, bakit hindi ka niya tinulungan?” Ngunit kayo ang naglabas sa akin sa sinapupunan ng aking ina, at mula noong dumedede pa ako, iningatan nʼyo na ako. Mula kapanganakan ko, nakadepende na ako sa inyo, at mula noon, kayo lang ang aking Dios. Kaya huwag nʼyo akong pababayaan, dahil malapit nang dumating ang kaguluhan, at wala na akong ibang maaasahan.
Mga Awit 22:1-11 Ang Biblia (TLAB)
Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan? Bakit ka napaka layo sa pagtulong sa akin, at sa mga salita ng aking pagangal? Oh Dios ko, ako'y humihiyaw sa araw, nguni't hindi ka sumasagot: at sa gabi, at hindi ako tahimik. Nguni't ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga pagpuri ng Israel. Ang aming mga magulang ay nagsitiwala sa iyo: sila'y nagsitiwala, at iyong iniligtas sila. Sila'y nagsidaing sa iyo at nangaligtas: sila'y nagsitiwala sa iyo, at hindi nangapahiya. Nguni't ako'y uod at hindi tao; duwahagi sa mga tao, at hinamak ng bayan. Silang lahat na nangakakita sa akin ay tinatawanang mainam ako: inilalawit nila ang labi, iginagalaw nila ang ulo, na sinasabi, Magpakatiwala ka sa Panginoon; iligtas niya siya: iligtas niya siya yamang kinaluluguran niya siya: Nguni't ikaw ang naglabas sa akin sa bahay-bata: Pinatiwala mo ako nang ako'y nasa mga suso ng aking ina. Ako'y nahagis sa iyo mula sa bahay-bata: ikaw ay aking Dios mulang dalhin ako sa tiyan ng aking ina. Huwag mo akong layuan; sapagka't kabagabagan ay malapit; sapagka't walang tumulong.
Mga Awit 22:1-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
O Diyos ko! Diyos ko! Bakit mo ako pinabayaan? Sumisigaw ako ng saklolo, ngunit bakit di mo ako tinutulungan? Araw-gabi'y tumatawag ako sa iyo, O Diyos, di ako mapanatag, di ka man lang sumasagot. Ngunit ikaw ang Banal na pinaparangalan, at sa Israel ikaw ay pinapupurihan. Ang mga ninuno nami'y nagtiwala sa iyo, sa iyo umasa kaya sila'y iniligtas mo. Tumawag sila sa iyo at sa panganib ay nakawala, nagtiwala sila sa iyo at di naman sila napahiya. Ngunit ako'y parang uod at hindi na isang tao, hinahamak at pinagtatawanan ng kahit na sino! Pinagtatawanan ako ng bawat makakita sa akin, inilalabas ang kanilang dila at sila'y pailing-iling. Sabi nila, “Nagtiwala siya kay Yahweh; hayaang iligtas siya nito. Kung talagang mahal siya nito, darating ang kanyang saklolo!” Noong ako ay iluwal, Ikaw, O Diyos, ang patnubay, magmula sa pagkabata, ako'y iyong iningatan. Mula nang ako'y isilang, sa iyo na umaasa, mula nang ipanganak, ikaw lang ang Diyos na kilala. Huwag mo akong lilisanin, huwag mo akong iiwanan, pagkat walang sasaklolo sa papalapit na kapahamakan.
Mga Awit 22:1-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan? Bakit ka napaka layo sa pagtulong sa akin, at sa mga salita ng aking pagangal? Oh Dios ko, ako'y humihiyaw sa araw, nguni't hindi ka sumasagot: At sa gabi, at hindi ako tahimik. Nguni't ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga pagpuri ng Israel. Ang aming mga magulang ay nagsitiwala sa iyo: Sila'y nagsitiwala, at iyong iniligtas sila. Sila'y nagsidaing sa iyo at nangaligtas: Sila'y nagsitiwala sa iyo, at hindi nangapahiya. Nguni't ako'y uod at hindi tao; Duwahagi sa mga tao, at hinamak ng bayan. Silang lahat na nangakakita sa akin ay tinatawanang mainam ako: Inilalawit nila ang labi, iginagalaw nila ang ulo, na sinasabi, Magpakatiwala ka sa Panginoon; iligtas niya siya: Iligtas niya siya yamang kinaluluguran niya siya: Nguni't ikaw ang naglabas sa akin sa bahay-bata: Pinatiwala mo ako nang ako'y nasa mga suso ng aking ina. Ako'y nahagis sa iyo mula sa bahay-bata: Ikaw ay aking Dios mulang dalhin ako sa tiyan ng aking ina. Huwag mo akong layuan; sapagka't kabagabagan ay malapit; Sapagka't walang tumulong.