Dios ko! Dios ko! Bakit nʼyo ako pinabayaan? Bakit kay layo nʼyo sa akin? Dumadaing ako sa hirap, ngunit hindi nʼyo pa rin ako tinutulungan. Dios ko, araw-gabiʼy tumatawag ako sa inyo, ngunit hindi nʼyo ako sinasagot, kaya wala akong kapahingahan. Ngunit banal ka, at nakaluklok ka sa iyong trono, at pinupuri ng mga Israelita. Ang aming mga ninuno ay sa inyo nagtiwala, at silaʼy inyong iniligtas. Tinulungan nʼyo sila nang sila ay tumawag sa inyo. Sila ay nagtiwala at hindi nabigo. Akoʼy hinahamak at hinihiya ng mga tao. Sinasabi nila na para akong higad at hindi tao. Bawat makakita sa akin ay nangungutya, nang-aasar, at iiling-iling na nagsasabi, “Hindi baʼt nagtitiwala ka sa PANGINOON, bakit hindi ka niya iniligtas? Hindi baʼt nalulugod siya sa iyo, bakit hindi ka niya tinulungan?” Ngunit kayo ang naglabas sa akin sa sinapupunan ng aking ina, at mula noong dumedede pa ako, iningatan nʼyo na ako. Mula kapanganakan ko, nakadepende na ako sa inyo, at mula noon, kayo lang ang aking Dios. Kaya huwag nʼyo akong pababayaan, dahil malapit nang dumating ang kaguluhan, at wala na akong ibang maaasahan.
Basahin Salmo 22
Makinig sa Salmo 22
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Salmo 22:1-11
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas