Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 19:1-6

Mga Awit 19:1-6 RTPV05

Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan! Sa bawat araw at gabi, pahayag ay walang patlang, patuloy na nagbibigay ng dunong at kaalaman. Wala silang tinig o salitang ginagamit, wala rin silang tunog na ating naririnig; ngunit abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig, balita ay umaabot hanggang sa dulo ng daigdig. Gumawa ang Diyos sa langit ng tahanan para sa araw, tuwing umaga'y lumalabas ito na parang masayang kasintahan, tulad ng masiglang manlalaro na handang-handa sa takbuhan. Sa silangan sumisikat, lumulubog sa kanluran, walang nakapagtatago sa init nitong taglay.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 19:1-6