Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 19:1-6

Salmo 19:1-6 ASND

Ipinapakita ng kalangitan ang kadakilaan ng Dios, ang gawa ng kanyang kamay. Araw at gabi, ang kalangitan ay parang nagsasabi tungkol sa kanyang kapangyarihan. Kahit na walang salita o tinig kang maririnig, ang kanilang mensahe ay napapakinggan pa rin sa buong daigdig. Iginawa ng Dios ang araw ng tirahan sa kalangitan. Tuwing umagaʼy sumisikat ang araw, na parang lalaking bagong kasal na lumalabas sa bahay nila nang may galak. O katulad din ng isang manlalarong kampeon sa takbuhan, na nasasabik na tumakbo. Itoʼy sumisikat sa silangan, at lumulubog sa kanluran. At ang kanyang init, hindi mapagtataguan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Salmo 19:1-6