Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 19:1-6

MGA AWIT 19:1-6 ABTAG

Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios; At ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay. Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita, At sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman. Walang pananalita o wika man; Ang kanilang tinig ay hindi marinig. Ang kanilang pangungusap ay lumaganap sa buong lupa, At ang kanilang mga salita ay hanggang sa wakas ng sanglibutan. Sa kanila inilagay niya ang tabernakulo na ukol sa araw, Na gaya ng kasintahang lalake na lumalabas mula sa kaniyang silid. At nagagalak na gaya ng malakas na tao na tatakbo ng kaniyang takbo. Ang kaniyang labasan ay mula sa wakas ng mga langit, At ang kaniyang ligid ay sa mga wakas niyaon: At walang bagay na nakukubli sa pagiinit niyaon.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 19:1-6