Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 107:4-9

Mga Awit 107:4-9 RTPV05

Mayro'ng naglumagak sa ilang na dako, at doon nanahan, sapagkat sa lunsod ay wala nang lugar silang matirahan. Wala nang makain kaya't sila'y nagutom, nauhaw na lubha, ang katawan nila ay naging lupaypay, labis na nanghina. Nang sila'y magipit, kay Yahweh, sila ay tumawag, at dininig naman sa gipit na lagay, sila'y iniligtas. Inialis sila sa lugar na iyon at pinatnubayan, tuwirang dinala sa payapang lunsod at doon tumahan. Kaya dapat namang kay Yahweh ay magpasalamat, dahil sa pag-ibig at kahanga-hanga niyang pagliligtas. Mga nauuhaw ay pinapainom upang masiyahan, mga nagugutom ay pawang binubusog sa mabuting bagay.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 107:4-9