Mga Awit 107:4-9
Mga Awit 107:4-9 Ang Salita ng Dios (ASND)
May mga taong naglakbay sa ilang; hindi nila makita ang daan papuntang lundsod na maaari nilang tirhan. Silaʼy nagutom at nauhaw at halos mamatay na. Sa kanilang kahirapan, tumawag sila sa PANGINOON, at iniligtas niya sila sa kagipitan. At pinatnubayan niya sila papunta sa lungsod na matitirahan. Kaya dapat silang magpasalamat sa PANGINOON dahil sa pag-ibig niya at kahanga-hangang gawa sa mga tao. Dahil pinaiinom niya ang mga nauuhaw, at pinakakain ang mga nagugutom.
Mga Awit 107:4-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mayro'ng naglumagak sa ilang na dako, at doon nanahan, sapagkat sa lunsod ay wala nang lugar silang matirahan. Wala nang makain kaya't sila'y nagutom, nauhaw na lubha, ang katawan nila ay naging lupaypay, labis na nanghina. Nang sila'y magipit, kay Yahweh, sila ay tumawag, at dininig naman sa gipit na lagay, sila'y iniligtas. Inialis sila sa lugar na iyon at pinatnubayan, tuwirang dinala sa payapang lunsod at doon tumahan. Kaya dapat namang kay Yahweh ay magpasalamat, dahil sa pag-ibig at kahanga-hanga niyang pagliligtas. Mga nauuhaw ay pinapainom upang masiyahan, mga nagugutom ay pawang binubusog sa mabuting bagay.
Mga Awit 107:4-9 Ang Biblia (TLAB)
Sila'y nagsilaboy sa ilang, sa ulilang landas; sila'y hindi nakasumpong ng bayang tahanan. Gutom at uhaw, ang kanilang kaluluwa'y nanglupaypay sa kanila. Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan. Pinatnubayan naman niya sila sa matuwid na daan, upang sila'y magsiyaon sa bayang tahanan. Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! Sapagka't kaniyang binigyang kasiyahan ang nananabik na kaluluwa, at ang gutom na kaluluwa ay binusog niya ng kabutihan.
Mga Awit 107:4-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mayro'ng naglumagak sa ilang na dako, at doon nanahan, sapagkat sa lunsod ay wala nang lugar silang matirahan. Wala nang makain kaya't sila'y nagutom, nauhaw na lubha, ang katawan nila ay naging lupaypay, labis na nanghina. Nang sila'y magipit, kay Yahweh, sila ay tumawag, at dininig naman sa gipit na lagay, sila'y iniligtas. Inialis sila sa lugar na iyon at pinatnubayan, tuwirang dinala sa payapang lunsod at doon tumahan. Kaya dapat namang kay Yahweh ay magpasalamat, dahil sa pag-ibig at kahanga-hanga niyang pagliligtas. Mga nauuhaw ay pinapainom upang masiyahan, mga nagugutom ay pawang binubusog sa mabuting bagay.
Mga Awit 107:4-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sila'y nagsilaboy sa ilang, sa ulilang landas; Sila'y hindi nakasumpong ng bayang tahanan. Gutom at uhaw, Ang kanilang kaluluwa'y nanglupaypay sa kanila. Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, At iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan. Pinatnubayan naman niya sila sa matuwid na daan, Upang sila'y magsiyaon sa bayang tahanan. Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, At dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! Sapagka't kaniyang binigyang kasiyahan ang nananabik na kaluluwa, At ang gutom na kaluluwa ay binusog niya ng kabutihan.