Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 107:4-9

MGA AWIT 107:4-9 ABTAG

Sila'y nagsilaboy sa ilang, sa ulilang landas; Sila'y hindi nakasumpong ng bayang tahanan. Gutom at uhaw, Ang kanilang kaluluwa'y nanglupaypay sa kanila. Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, At iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan. Pinatnubayan naman niya sila sa matuwid na daan, Upang sila'y magsiyaon sa bayang tahanan. Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, At dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! Sapagka't kaniyang binigyang kasiyahan ang nananabik na kaluluwa, At ang gutom na kaluluwa ay binusog niya ng kabutihan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 107:4-9