Ang taong matalino'y magkakamit ng karangalan, ngunit ang aanihin ng masama ay pagkutya lang. Ang maralitang nagsisikap ay mabuting di hamak, kaysa nagkukunwang mayaman ngunit sa gutom nakasadlak. Kahit sa kanyang mga hayop ang matuwid ay mabait, ngunit ang masama kahit kanino ay sadyang mabagsik. Ang taong masipag ay sagana sa lahat, ngunit ang isang hangal, sa yaman ay salat. Ang nais ng masama ay puro kasamaan, ngunit ang tuntungan ng matuwid ay hindi magmamaliw. Ang masama ay nahuhuli sa salita ng kanyang bibig, ngunit ang matuwid ay malayo sa ligalig. Ang kakamtin ng tao ay batay sa gawa o salita, bawat isa ay tatanggap ng karampatang gantimpala. Ang akala ng mangmang ay siya lamang ang tama, ngunit handang tumanggap ng payo ang taong may unawa. Ang pagkainis ng mangmang kaagad nahahalata, ngunit ang mga matatalino, di pansin ang pagkutya. Sa pagsasabi ng tapat, lumilitaw ang katarungan, ngunit ang pagsisinungaling ay lumilikha ng kapahamakan.
Basahin Mga Kawikaan 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Kawikaan 12:8-17
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas