Mga Kawikaan 12:8-17
Mga Kawikaan 12:8-17 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pinararangalan ang taong may karunungan, ngunit hinahamak ang taong masama ang kaisipan. Mas mabuti ang taong simple pero kayang magbayad ng katulong kaysa sa taong nagkukunwaring mayaman ngunit kahit makain ay wala naman. Ang taong matuwid ay mabait sa kanyang mga alagang hayop, ngunit ang taong masama ay malupit at walang awa sa kanyang mga hayop. Ang magsasakang masipag ay laging sagana sa pagkain, ngunit ang walang sapat na pang-unawa ay nagsasayang ng oras sa mga walang kabuluhang gawain. Ang taong masama ay laging kasamaan ang ginagawa, kaya hindi matatag ang kanyang kalagayan; ngunit ang taong matuwid ay matatag gaya ng punongkahoy na malalim ang ugat. Ang kasamaang sinasabi ng taong masama ay nagdudulot sa kanya ng gulo, ngunit ang taong matuwid ay umiiwas sa gulo. Ang bawat isa ay tatanggap ng gantimpala ayon sa kanyang sinabi o ginawa. Ang akala ng hangal ay palagi siyang tama, ngunit ang taong marunong ay nakikinig sa payo. Ang hangal ay madaling magalit kapag iniinsulto, ngunit ang taong may karunungan ay hindi pinapansin ang pang-iinsulto sa kanya. Ang tapat na saksi ay nagsasabi ng katotohanan, ngunit ang hindi tapat na saksi ay nagsasabi ng kasinungalingan.
Mga Kawikaan 12:8-17 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang taong matalino'y magkakamit ng karangalan, ngunit ang aanihin ng masama ay pagkutya lang. Ang maralitang nagsisikap ay mabuting di hamak, kaysa nagkukunwang mayaman ngunit sa gutom nakasadlak. Kahit sa kanyang mga hayop ang matuwid ay mabait, ngunit ang masama kahit kanino ay sadyang mabagsik. Ang taong masipag ay sagana sa lahat, ngunit ang isang hangal, sa yaman ay salat. Ang nais ng masama ay puro kasamaan, ngunit ang tuntungan ng matuwid ay hindi magmamaliw. Ang masama ay nahuhuli sa salita ng kanyang bibig, ngunit ang matuwid ay malayo sa ligalig. Ang kakamtin ng tao ay batay sa gawa o salita, bawat isa ay tatanggap ng karampatang gantimpala. Ang akala ng mangmang ay siya lamang ang tama, ngunit handang tumanggap ng payo ang taong may unawa. Ang pagkainis ng mangmang kaagad nahahalata, ngunit ang mga matatalino, di pansin ang pagkutya. Sa pagsasabi ng tapat, lumilitaw ang katarungan, ngunit ang pagsisinungaling ay lumilikha ng kapahamakan.
Mga Kawikaan 12:8-17 Ang Biblia (TLAB)
Pupurihin ang tao ayon sa kaniyang karunungan: nguni't ang masama sa puso ay hahamakin. Maigi siyang pinahahalagahan ng kaunti, at may alipin, kay sa nagmamapuri, at kinukulang ng tinapay. Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop: nguni't ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik. Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay: nguni't siyang sumusunod sa taong walang kabuluhan ay walang unawa. Ninanasa ng masama ang lambat ng mga masamang tao: nguni't ang ugat ng matuwid ay nagbubunga. Nasa pagsalangsang ng mga labi ang silo sa mga masamang tao: nguni't ang matuwid ay lalabas sa kabagabagan. Ang tao ay masisiyahan ng buti sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang bibig; at ang mga gawain ng mga kamay ng tao ay babayaran sa kaniya. Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: nguni't siyang pantas ay nakikinig sa payo. Ang yamot ng mangmang ay agad nakikilala: nguni't ang mabait na tao ay nagtatakip ng kahihiyan. Ang nagbabadya ng katotohanan ay nagpapakilala ng katuwiran, nguni't ang sinungaling sa saksi ay nagdadaya.
Mga Kawikaan 12:8-17 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang taong matalino'y magkakamit ng karangalan, ngunit ang aanihin ng masama ay pagkutya lang. Ang maralitang nagsisikap ay mabuting di hamak, kaysa nagkukunwang mayaman ngunit sa gutom nakasadlak. Kahit sa kanyang mga hayop ang matuwid ay mabait, ngunit ang masama kahit kanino ay sadyang mabagsik. Ang taong masipag ay sagana sa lahat, ngunit ang isang hangal, sa yaman ay salat. Ang nais ng masama ay puro kasamaan, ngunit ang tuntungan ng matuwid ay hindi magmamaliw. Ang masama ay nahuhuli sa salita ng kanyang bibig, ngunit ang matuwid ay malayo sa ligalig. Ang kakamtin ng tao ay batay sa gawa o salita, bawat isa ay tatanggap ng karampatang gantimpala. Ang akala ng mangmang ay siya lamang ang tama, ngunit handang tumanggap ng payo ang taong may unawa. Ang pagkainis ng mangmang kaagad nahahalata, ngunit ang mga matatalino, di pansin ang pagkutya. Sa pagsasabi ng tapat, lumilitaw ang katarungan, ngunit ang pagsisinungaling ay lumilikha ng kapahamakan.
Mga Kawikaan 12:8-17 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Pupurihin ang tao ayon sa kaniyang karunungan: Nguni't ang masama sa puso ay hahamakin. Maigi siyang pinahahalagahan ng kaunti, at may alipin, Kay sa nagmamapuri, at kinukulang ng tinapay. Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop: Nguni't ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik. Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay: Nguni't siyang sumusunod sa taong walang kabuluhan ay walang unawa. Ninanasa ng masama ang lambat ng mga masamang tao: Nguni't ang ugat ng matuwid ay nagbubunga. Nasa pagsalangsang ng mga labi ang silo sa mga masamang tao: Nguni't ang matuwid ay lalabas sa kabagabagan. Ang tao ay masisiyahan ng buti sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang bibig; At ang mga gawain ng mga kamay ng tao ay babayaran sa kaniya. Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: Nguni't siyang pantas ay nakikinig sa payo. Ang yamot ng mangmang ay agad nakikilala: Nguni't ang mabait na tao ay nagtatakip ng kahihiyan. Ang nagbabadya ng katotohanan ay nagpapakilala ng katuwiran, Nguni't ang sinungaling sa saksi ay nagdadaya.