Pupurihin ang tao ayon sa kaniyang karunungan: Nguni't ang masama sa puso ay hahamakin. Maigi siyang pinahahalagahan ng kaunti, at may alipin, Kay sa nagmamapuri, at kinukulang ng tinapay. Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop: Nguni't ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik. Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay: Nguni't siyang sumusunod sa taong walang kabuluhan ay walang unawa. Ninanasa ng masama ang lambat ng mga masamang tao: Nguni't ang ugat ng matuwid ay nagbubunga. Nasa pagsalangsang ng mga labi ang silo sa mga masamang tao: Nguni't ang matuwid ay lalabas sa kabagabagan. Ang tao ay masisiyahan ng buti sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang bibig; At ang mga gawain ng mga kamay ng tao ay babayaran sa kaniya. Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: Nguni't siyang pantas ay nakikinig sa payo. Ang yamot ng mangmang ay agad nakikilala: Nguni't ang mabait na tao ay nagtatakip ng kahihiyan. Ang nagbabadya ng katotohanan ay nagpapakilala ng katuwiran, Nguni't ang sinungaling sa saksi ay nagdadaya.
Basahin MGA KAWIKAAN 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA KAWIKAAN 12:8-17
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas