Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 12:8-17

MGA KAWIKAAN 12:8-17 ABTAG01

Pinupuri ang tao ayon sa kanyang katinuan, ngunit ang may masamang puso ay hahamakin lamang. Mabuti pa ang taong mapagpakumbaba na gumagawa para sa kanyang sarili, kaysa nagkukunwaring dakila na wala namang makain. Buhay ng kanyang hayop, pinapahalagahan ng matuwid, ngunit ang kaawaan ng masama ay malupit. Siyang nagbubungkal ng kanyang lupa ay magkakaroon ng tinapay na sagana, ngunit siyang sumusunod sa walang kabuluhang bagay ay walang unawa. Ang matatag na tore ng masama ay nawawasak, ngunit ang ugat ng matuwid ay nananatiling matatag. Sa pagsalangsang ng mga labi nasisilo ang masamang tao, ngunit ang matuwid ay nakakatakas sa gulo. Ang tao ay masisiyahan sa kabutihan sa pamamagitan ng bunga ng kanyang bibig; at ang mga gawain ng mga kamay ng tao sa kanya'y bumabalik. Ang lakad ng hangal, sa sarili niyang paningin ay wasto, ngunit ang marunong ay nakikinig sa payo. Ang pagkayamot ng hangal ay agad nahahalata, ngunit hindi pinapansin ng matalino ang pagkutya. Ang nagsasabi ng katotohanan ay nagbibigay ng tapat na katibayan, ngunit ang sinungaling na saksi ay nagsasalita ng kadayaan.