Ibinukod ni Jesus ang Labindalawa at sinabi sa kanila, “Pupunta tayo sa Jerusalem at doo'y matutupad ang lahat ng isinulat ng mga propeta tungkol sa Anak ng Tao. Siya'y ibibigay sa kamay ng mga Hentil; kukutyain, hahamakin, at duduraan. Siya'y hahagupitin at papatayin, ngunit sa ikatlong araw ay muli siyang mabubuhay.” Subalit ang Labindalawa ay walang naunawaan sa kanilang narinig; hindi nila makuha ang kahulugan niyon, at hindi rin nila naintindihan ang sinasabi ni Jesus. Nang malapit na si Jesus sa Jerico; may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at nagpapalimos. Nang marinig niyang nagdaraan ang maraming tao, itinanong niya kung ano ang nangyayari. “Nagdaraan si Jesus na taga-Nazaret,” sabi nila sa kanya. At siya'y sumigaw, “Jesus, Anak ni David! Mahabag po kayo sa akin!” Pinapatigil siya ng mga taong nasa unahan, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, “Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Tumigil si Jesus at ipinatawag ang bulag. Paglapit ng bulag ay tinanong siya ni Jesus, “Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?” “Panginoon, gusto ko po sanang makakitang muli,” sagot niya. At sinabi ni Jesus, “Mangyayari ang nais mo! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” Noon di'y nakakita ang bulag at sumunod kay Jesus na nagpuri sa Diyos. Nang makita ito ng mga tao, silang lahat ay nagpuri sa Diyos.
Basahin Lucas 18
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Lucas 18:31-43
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas