Isinama niya ang labindalawa at sinabi sa kanila, “Tingnan ninyo, umaahon tayo tungo sa Jerusalem, at ang lahat ng mga bagay na isinulat ng mga propeta tungkol sa Anak ng Tao ay matutupad. Sapagkat siya'y ibibigay sa mga Hentil at siya'y lilibakin, hahamakin, at luluraan, kanilang hahagupitin siya at papatayin at sa ikatlong araw siya ay muling mabubuhay.” Ngunit wala silang naunawaan sa mga bagay na ito. Ang salitang ito ay naikubli sa kanila, at hindi nila naunawaan ang sinabi. Nang malapit na siya sa Jerico, isang bulag ang nakaupo sa tabi ng daan na namamalimos. At nang marinig niya ang maraming tao na dumaraan, nagtanong siya kung ano ang ibig sabihin nito. Sinabi nila sa kanya na dumaraan si Jesus na taga-Nazaret. At siya'y sumigaw, “Jesus! Anak ni David, maawa ka sa akin.” Siya'y sinaway ng mga nasa unahan at sinabihan siyang tumahimik. Subalit siya'y lalong nagsisigaw, “Anak ni David, maawa ka sa akin.” At si Jesus ay tumigil at ipinag-utos na dalhin ang tao sa kanya. Nang lumapit ito ay kanyang tinanong, “Anong ibig mong gawin ko sa iyo?” At sinabi niya, “Panginoon, ako sana'y muling makakita.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Tanggapin mo ang iyong paningin; pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” At kaagad na tinanggap niya ang kanyang paningin at sumunod sa kanya, na niluluwalhati ang Diyos. Nang makita ito ng buong bayan ay nagbigay puri sila sa Diyos.
Basahin LUCAS 18
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: LUCAS 18:31-43
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas