“Minsan, ako ay may narinig, salitang ibinulong sa aking pandinig. Sa lalim ng hatinggabi parang ako'y nanaginip kung kailan ang tao'y mahimbing na naiidlip. Ako'y sinakmal ng matinding takot, ako'y kinilabutan at nangatog ang tuhod. Malamig na hangin, dumampi sa mukha ko, sa takot ay nagtayuan ang aking balahibo. May nakita akong doon ay nakatayo, ngunit di ko mapagwari ang kanyang anyo. Maya-maya, narinig ko ang isang tinig: ‘Maaari bang maging matuwid ang isang tao sa paningin ng Diyos? Sa harap ng Lumikha, mayroon bang malinis ang loob? Mga lingkod niya sa langit di niya pinagkakatiwalaan, sa kanya mismong mga anghel may nakikita siyang kamalian. Paano pa siya magtitiwala sa taong mula sa alabok? Tulad ng gamu-gamo, ito ay marupok. Ang tao'y buháy ngayon, ngunit hindi tiyak kung mamaya; siya pala ay patay na, di pa alam nitong madla. Ang lahat niyang taglay sa kanya'y mawawala, sa kanyang pagkamatay kulang pa rin sa unawa.’
Basahin Job 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Job 4:12-21
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas