Job 4:12-21
Job 4:12-21 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Minsan, ako ay may narinig, salitang ibinulong sa aking pandinig. Sa lalim ng hatinggabi parang ako'y nanaginip kung kailan ang tao'y mahimbing na naiidlip. Ako'y sinakmal ng matinding takot, ako'y kinilabutan at nangatog ang tuhod. Malamig na hangin, dumampi sa mukha ko, sa takot ay nagtayuan ang aking balahibo. May nakita akong doon ay nakatayo, ngunit di ko mapagwari ang kanyang anyo. Maya-maya, narinig ko ang isang tinig: ‘Maaari bang maging matuwid ang isang tao sa paningin ng Diyos? Sa harap ng Lumikha, mayroon bang malinis ang loob? Mga lingkod niya sa langit di niya pinagkakatiwalaan, sa kanya mismong mga anghel may nakikita siyang kamalian. Paano pa siya magtitiwala sa taong mula sa alabok? Tulad ng gamu-gamo, ito ay marupok. Ang tao'y buháy ngayon, ngunit hindi tiyak kung mamaya; siya pala ay patay na, di pa alam nitong madla. Ang lahat niyang taglay sa kanya'y mawawala, sa kanyang pagkamatay kulang pa rin sa unawa.’
Job 4:12-21 Ang Salita ng Dios (ASND)
“May sinabi sa akin nang palihim. Ibinulong ito sa akin sa pamamagitan ng panaginip. Gabi iyon habang ang mga taoʼy mahimbing na natutulog. Natakot ako at nanginig ang buo kong katawan. May espiritu na dumaan sa aking harap at tumayo ang mga balahibo ko at kinilabutan ako. Huminto ito, pero hindi ko gaanong maaninag. At may narinig akong mahinang tinig na nagsasabi, ‘Mayroon bang taong matuwid o malinis sa paningin ng Dios na kanyang Manlilikha? Kung mismong sa mga anghel na lingkod niya ay hindi siya lubusang nagtitiwala, at nakakakita siya ng kamalian nila, di lalo na sa taong nilikha lamang mula sa lupa, na madaling pisain katulad ng gamo-gamo! Ang taoʼy maaaring buhay pa sa umaga pero kinagabihaʼy patay na at hindi na makikita magpakailanman. Para silang mga toldang bumagsak. Namatay sila nang kulang sa karunungan.’
Job 4:12-21 Ang Biblia (TLAB)
Ngayo'y nadalang lihim sa akin ang isang bagay, at ang aking pakinig ay nakakaulinig ng bulong niyaon. Sa mga pagiisip na mula sa mga pangitain sa gabi, pagka ang mahimbing na tulog ay nahuhulog sa mga tao, Takot ay dumating sa akin, at panginginig, na nagpapanginig ng lahat ng aking mga buto. Nang magkagayo'y dumaan ang isang espiritu sa aking mukha. Ang balahibo ng aking balat ay nanindig. Tumayong nakatigil, nguni't hindi ko mawari ang anyo niyaon; isang anyo ang nasa harap ng aking mga mata: tahimik, at ako'y nakarinig ng tinig, na nagsasabi, Magiging ganap pa ba ang taong may kamatayan kay sa Dios? Lilinis pa ba kaya ang tao kay sa Maylalang sa kaniya? Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga lingkod; at inaari niyang mga mangmang ang kaniyang mga anghel: Gaano pa kaya sila na nagsisitahan sa mga bahay na putik, na ang patibayan ay nasa alabok, na napipisang gaya ng paroparo! Sa pagitan ng umaga at hapon, ay nangagigiba; nangapaparam magpakailan man na walang pumupuna. Hindi ba nalalagot ang tali ng kanilang tolda sa loob nila? Sila'y nangamamatay at walang karunungan.
Job 4:12-21 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Minsan, ako ay may narinig, salitang ibinulong sa aking pandinig. Sa lalim ng hatinggabi parang ako'y nanaginip kung kailan ang tao'y mahimbing na naiidlip. Ako'y sinakmal ng matinding takot, ako'y kinilabutan at nangatog ang tuhod. Malamig na hangin, dumampi sa mukha ko, sa takot ay nagtayuan ang aking balahibo. May nakita akong doon ay nakatayo, ngunit di ko mapagwari ang kanyang anyo. Maya-maya, narinig ko ang isang tinig: ‘Maaari bang maging matuwid ang isang tao sa paningin ng Diyos? Sa harap ng Lumikha, mayroon bang malinis ang loob? Mga lingkod niya sa langit di niya pinagkakatiwalaan, sa kanya mismong mga anghel may nakikita siyang kamalian. Paano pa siya magtitiwala sa taong mula sa alabok? Tulad ng gamu-gamo, ito ay marupok. Ang tao'y buháy ngayon, ngunit hindi tiyak kung mamaya; siya pala ay patay na, di pa alam nitong madla. Ang lahat niyang taglay sa kanya'y mawawala, sa kanyang pagkamatay kulang pa rin sa unawa.’
Job 4:12-21 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ngayo'y nadalang lihim sa akin ang isang bagay, At ang aking pakinig ay nakakaulinig ng bulong niyaon. Sa mga pagiisip na mula sa mga pangitain sa gabi, Pagka ang mahimbing na tulog ay nahuhulog sa mga tao, Takot ay dumating sa akin, at panginginig, Na nagpapanginig ng lahat ng aking mga buto. Nang magkagayo'y dumaan ang isang espiritu sa aking mukha. Ang balahibo ng aking balat ay nanindig. Tumayong nakatigil, nguni't hindi ko mawari ang anyo niyaon; Isang anyo ang nasa harap ng aking mga mata: Tahimik, at ako'y nakarinig ng tinig, na nagsasabi, Magiging ganap pa ba ang taong may kamatayan kay sa Dios? Lilinis pa ba kaya ang tao kay sa Maylalang sa kaniya? Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga lingkod; At inaari niyang mga mangmang ang kaniyang mga anghel: Gaano pa kaya sila na nagsisitahan sa mga bahay na putik, Na ang patibayan ay nasa alabok, Na napipisang gaya ng paroparo! Sa pagitan ng umaga at hapon, ay nangagigiba; Nangapaparam magpakailan man na walang pumupuna. Hindi ba nalalagot ang tali ng kanilang tolda sa loob nila? Sila'y nangamamatay at walang karunungan.