Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 91:2-8

MGA AWIT 91:2-8 ABTAG

Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, Siya'y aking kanlungan at aking katibayan, Ang Dios ko na siyang aking tinitiwalaan. Sapagka't kaniyang ililigtas ka sa silo ng paninilo, At sa mapamuksang salot. Kaniyang tatakpan ka ng kaniyang mga bagwis, At sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka: Ang kaniyang katotohanan ay kalasag at baluti. Ikaw ay hindi matatakot sa kakilabutan sa gabi, Ni sa pana man na humihilagpos kung araw; Dahil sa salot na dumarating sa kadiliman, Ni dahil sa paggiba man na sumisira sa katanghaliang tapat. Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping, At sangpung libo sa iyong kanan; Nguni't hindi lalapit sa iyo. Iyong mamamasdan lamang ng iyong mga mata, At iyong makikita ang ganti sa masama.