Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 91:2-8

MGA AWIT 91:2-8 ABTAG01

sasabihin ko sa PANGINOON, “Aking muog at aking kanlungan, aking Diyos na siya kong pinagtitiwalaan.” Sapagkat ililigtas ka niya sa bitag ng maninilo, at sa nakakamatay na salot. Kanyang tatakpan ka ng mga bagwis niya, at sa ilalim ng kanyang mga pakpak ay manganganlong ka; ang kanyang katapatan ay baluti at panangga. Ang mga nakakakilabot sa gabi ay di mo katatakutan, ni ang pana na nagliliparan kapag araw; ni ang salot na lihim na bumubuntot sa kadiliman, ni ang pagkawasak na sumisira sa katanghalian. Mabubuwal sa iyong tabi ang isang libo, sa iyong kanan ay sampung libo, ngunit ito'y hindi lalapit sa iyo. Mamamasdan mo lamang sa pamamagitan ng iyong mga mata, at iyong makikita ang parusa sa masama.