Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 91:2-8

Salmo 91:2-8 ASND

Masasabi niya sa PANGINOON, “Kayo ang kumakalinga sa akin at nagtatanggol. Kayo ang aking Dios na pinagtitiwalaan.” Tiyak na ililigtas ka niya sa bitag ng masasama at sa mga nakamamatay na salot. Iingatan ka niya gaya ng isang ibong iniingatan ang kanyang mga inakay sa lilim ng kanyang pakpak. Iingatan ka at ipagtatanggol ng kanyang katapatan. Hindi ka dapat matakot sa mga bagay na nakakatakot, o sa palaso ng mga kaaway, o sa sakit at mga salot na sumasapit sa gabi man o sa araw. Kahit libu-libo pa ang mamatay sa paligid mo, walang mangyayari sa iyo. Makikita mo kung paano pinaparusahan ang mga taong masama.