Ang Dios mo'y nagutos ng iyong kalakasan: Patibayin mo, Oh Dios, ang ginawa mo sa amin. Dahil sa iyong templo sa Jerusalem Mga hari ay mangagdadala ng mga kaloob sa iyo. Sawayin mo ang mga mailap na hayop sa mga puno ng tambo, Ang karamihan ng mga toro na kasama ng mga guya ng mga bayan, Na niyayapakan sa ilalim ng paa ang mga putol ng pilak; Iyong pinangalat ang mga bayan na nangagagalak sa pagdidigma. Mga pangulo ay magsisilabas sa Egipto; Magmamadali ang Etiopia na igawad ang kaniyang mga kamay sa Dios. Magsiawit kayo sa Dios, kayong mga kaharian sa lupa; Oh magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon. Sa kaniya na sumasakay sa langit ng mga langit, na noon pang una: Narito, binibigkas niya ang kaniyang tinig, na makapangyarihang tinig, Inyong isa Dios ang kalakasan: Ang kaniyang karilagan ay nasa Israel, At ang kaniyang kalakasan ay nasa mga langit. Oh Dios, ikaw ay kakilakilabot mula sa iyong mga dakong banal: Ang Dios ng Israel, ay nagbibigay ng kalakasan at kapangyarihan sa kaniyang bayan. Purihin ang Panginoon.
Basahin MGA AWIT 68
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 68:28-35
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas