Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 68

68
Sa Pangulong Manunugtog. Salmo ni David, Awit.
1Bumangon nawa ang #Blg. 10:35. Dios, mangalat ang kaniyang mga kaaway;
Sila namang nangagtatanim sa kaniya ay magsitakas sa harap niya.
2 # Awit 37:20. Kung paanong napaparam ang usok ay gayon nangapaparam sila.
# Awit 97:5; Mik. 1:4. Kung paanong natutunaw ang pagkit sa harap ng apoy,
Gayon mamatay ang masama sa harapan ng Dios.
3Nguni't mangatuwa #Awit 32:11. ang matuwid; mangagalak sila sa harap ng Dios:
Oo, mangagalak sila ng kasayahan.
4Kayo'y magsiawit sa Dios, kayo'y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan:
# Deut. 33:26. Ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang;
# Ex. 6:3; 15:2, 3; Awit 115:17, 18; Is. 12:2. Ang kaniyang pangalan ay JAH; at mangagalak kayo sa harap niya.
5 # Awit 10:14. Ama ng mga ulila, at hukom ng mga babaing bao,
Ang Dios sa kaniyang banal na tahanan.
6Pinapagmamaganak #1 Sam. 2:5; Awit 113:9. ng Dios ang mga nagiisa:
# Gawa 12:6. Kaniyang inilalabas sa kaginhawahan ang mga bilanggo:
Nguni't #Awit 107:34, 40. ang mga mapanghimagsik ay magsisitahan sa tuyong lupa.
7Oh Dios, #Huk. 4:14. nang ikaw ay lumabas sa harap ng iyong bayan,
Nang ikaw ay lumakad sa ilang; (Selah)
8 # Ex. 19:16, 18. Ang lupa ay nayanig,
Ang mga langit naman ay tumulo sa harapan ng Dios:
Ang #Huk. 5:5. Sinai na yaon ay nayanig sa harapan ng Dios, ng Dios ng Israel.
9Ikaw, Oh Dios, naglagpak ng saganang ulan,
Iyong pinatibay ang iyong mana, noong ito'y mahina.
10Ang iyong kapisanan ay tumahan doon:
Ikaw, Oh Dios, ipinaghanda mo ng iyong kabutihan ang dukha.
11Nagbibigay ng salita ang Panginoon:
Ang mga babaing nangaghahayag ng mga balita ay malaking hukbo.
12Mga hari ng mga hukbo ay #Jos. 10:16; Awit 110:5. nagsisitakas, sila'y nagsisitakas:
# Huk. 5:30. At nangamamahagi ng samsam ang naiwan sa bahay.
13 # Awit 81:6. Mahihiga ba kayo sa gitna ng mga kulungan ng mga kawan,
# Awit 105:37. Na parang mga pakpak ng kalapati na natatakpan ng pilak,
At ng kaniyang balahibo ng gintong madilaw?
14Nang ang Makapangyarihan sa lahat ay magkalat ng mga hari roon,
Ay tila nagka nieve sa #Huk. 9:48. Salmon.
15Bundok ng Dios ay ang bundok ng Basan;
Mataas na bundok ang bundok ng Basan.
16Bakit kayo'y nagsisiirap, kayong matataas na mga bundok,
# 1 Hari 9:3; Awit 87:1, 2. Sa bundok na ninasa ng Dios na maging kaniyang tahanan?
Oo, tatahan doon ang Panginoon magpakailan man.
17 # 2 Hari 6:16, 17. Ang mga karo ng Dios ay dalawang pung libo samakatuwid baga'y libolibo:
Ang Panginoon ay nasa gitna nila, kung paano sa Sinai, gayon sa santuario.
18 # Gawa 1:9; Ef. 4:8. Sumampa ka sa mataas, #Huk. 5:13. pinatnubayan mo ang iyong bihag sa pagkabihag;
Tumanggap ka ng mga #Gawa 2:33. kaloob sa gitna ng mga tao, Oo, pati sa mga mapanghimagsik, upang makatahang kasama nila ang Panginoong Dios.
19Purihin ang Panginoon na nagpapasan araw-araw ng aming pasan,
Sa makatuwid baga'y ang Dios na siyang aming kaligtasan. (Selah)
20Ang Dios sa amin ay Dios ng mga kaligtasan;
At #Deut. 32:39. kay Jehova na Panginoon ukol ang pagpapalaya sa kamatayan.
21 # Huk. 5:26; Awit 110:6; Hab. 3:13. Nguni't sasaktan ng Dios ang ulo ng kaniyang mga kaaway.
Ang bunbunang mabuhok ng nagpapatuloy sa kaniyang sala.
22Sinabi ng Panginoon, #Blg. 21:33. Ibabalik ko uli mula sa Basan,
Ibabalik ko uli sila mula sa mga kalaliman ng dagat:
23 # Awit 58:10. Upang madurog mo sila, na nalulubog ang iyong paa sa dugo,
# 1 Hari 21:19. Upang ang dila ng iyong mga aso ay magkaroon ng kaniyang pagkain sa iyong mga kaaway.
24Kanilang nakita ang iyong mga lakad, Oh Dios,
Sa makatuwid baga'y ang lakad ng aking Dios, ng aking Hari, sa loob ng santuario.
25 # 1 Cron. 13:8; 15:16. Ang mga mangaawit ay nangagpauna, ang mga manunugtog ay nagsisunod,
# Ex. 15:20. Sa gitna ng mga dalaga na nagtutugtugan ng mga pandereta.
26Purihin ninyo ang Dios sa mga kapisanan,
Sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ninyong mga sa bukal ng #Deut. 33:28. lahi ng Israel.
27Doo'y #1 Sam. 9:21. ang munting Benjamin ay siyang kanilang puno,
Ang mga pangulo ng Juda at ang kanilang pulong,
Ang mga pangulo ng Zabulon, ang mga pangulo ng Nephtali.
28Ang Dios mo'y #Awit 42:8. nagutos ng iyong kalakasan:
Patibayin mo, Oh Dios, ang ginawa mo sa amin.
29Dahil sa iyong templo sa Jerusalem
# Awit 45:12; 76:11; Is. 18:7. Mga hari ay mangagdadala ng mga kaloob sa iyo.
30Sawayin mo ang mga mailap na hayop sa mga puno ng tambo,
Ang karamihan ng mga toro na kasama ng mga guya ng mga bayan,
Na niyayapakan sa ilalim ng paa ang mga putol ng pilak;
Iyong pinangalat ang mga bayan na nangagagalak sa pagdidigma.
31Mga pangulo ay #Is. 19:19, 21. magsisilabas sa Egipto;
Magmamadali ang #Is. 45:14; Zef. 3:10. Etiopia na igawad ang kaniyang mga kamay sa Dios.
32Magsiawit kayo sa Dios, kayong mga kaharian sa lupa;
Oh magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon.
33Sa kaniya na #Deut. 33:26. sumasakay sa langit ng mga langit, na noon pang una:
Narito, binibigkas niya ang kaniyang tinig, na makapangyarihang tinig,
34Inyong isa Dios ang kalakasan:
Ang kaniyang karilagan ay nasa Israel,
At ang kaniyang kalakasan ay nasa mga langit.
35Oh Dios, ikaw ay #Awit 47:2. kakilakilabot mula sa iyong mga dakong banal:
Ang Dios ng Israel, ay nagbibigay ng kalakasan at kapangyarihan sa kaniyang bayan.
Purihin ang Panginoon.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 68: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in