Sana'y iyong ipadama ang taglay mong kalakasan, ang lakas na ginamit mo noong kami'y isanggalang. Magmula sa Jerusalem, sa iyong tahanang templo, na pati ang mga hari doo'y naghahandog sa iyo, pagwikaan mo ang hayop, ang mailap na Egipto; sabihan ang mga bansang parang torong may bisiro; hanggang sila ay sumuko, maghandog ng pilak sa iyo. Ang lahat ng maibigin sa digmaa'y ikalat mo! Mula roon sa Egipto, mga sugo ay darating, ang Etiopia'y daup-palad na sa Diyos dadalangin. Umawit sa Panginoon ang lahat ng kaharian, awitin ang pagpupuri't si Yahweh ay papurihan! (Selah) Purihin ang naglalakbay sa matandang kalangitan; mula roo'y maririnig ang malakas niyang sigaw! Ipahayag ng balana, taglay niyang kalakasan, siya'y hari ng Israel, maghahari siyang tunay; 'yang taglay niyang lakas ay buhat sa kalangitan. Kahanga-hanga ang Diyos sa santuwaryo niyang banal, siya ang Diyos ng Israel na sa tana'y nagbibigay ng kapangyariha't lakas na kanilang kailangan.
Basahin Mga Awit 68
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 68:28-35
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas