Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay, Oh Dios ng aming kaligtasan; Ikaw na katiwalaan ng lahat na wakas ng lupa, At nila na malayo sa dagat: Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan; Palibhasa't nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan: Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat, Ng hugong ng kanilang mga alon, At ng kaingay ng mga bayan. Sila naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda: Ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim.
Basahin MGA AWIT 65
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 65:5-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas