Kami'y iyong dinirinig, Tagapagligtas naming Diyos, sa kahanga-hangang gawa, kami'y iyong tinutubos. Kahit sino sa daigdig, sa ibayong karagatan, may tiwala silang lahat sa taglay mong kabutihan. Sa taglay mong kalakasan, mga bundok tumatatag; dakila ka't ang lakas mo ay sa gawa nahahayag! Ang ugong ng karagatan, iyong pinatatahimik, pati along malalaki sa panahong nagngangalit; maging mga kaguluhan nilang mga nagagalit. Dahilan sa ginawa mong mga bagay na dakila, natatakot ang daigdig, at ang buong sangnilikha. Bunga nitong ginawa mo, sa galak ay sumisigaw, buong mundo, kahit saang sulok nitong daigdigan.
Basahin Mga Awit 65
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 65:5-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas