Mga Awit 65:5-8
Mga Awit 65:5-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kami'y iyong dinirinig, Tagapagligtas naming Diyos, sa kahanga-hangang gawa, kami'y iyong tinutubos. Kahit sino sa daigdig, sa ibayong karagatan, may tiwala silang lahat sa taglay mong kabutihan. Sa taglay mong kalakasan, mga bundok tumatatag; dakila ka't ang lakas mo ay sa gawa nahahayag! Ang ugong ng karagatan, iyong pinatatahimik, pati along malalaki sa panahong nagngangalit; maging mga kaguluhan nilang mga nagagalit. Dahilan sa ginawa mong mga bagay na dakila, natatakot ang daigdig, at ang buong sangnilikha. Bunga nitong ginawa mo, sa galak ay sumisigaw, buong mundo, kahit saang sulok nitong daigdigan.
Mga Awit 65:5-8 Ang Salita ng Dios (ASND)
O Dios na aming Tagapagligtas, tinugon nʼyo ang aming mga dalangin sa pamamagitan ng inyong kamangha-manghang pagliligtas sa amin. Kayo ang pag-asa ng tao sa lahat ng lupain at maging ng manlalayag sa malawak na dagat. Itinatag nʼyo ang mga bundok sa pamamagitan ng inyong lakas. Tunay ngang kayoʼy makapangyarihan. Pinatatahimik nʼyo ang ingay ng mga alon, ang hampas ng karagatan, at ang pagkakagulo ng mga tao. Dahil sa inyong mga kahanga-hangang ginawa, namamangha sa inyo pati ang mga nakatira sa malayong lugar. Mula sa silangan hanggang kanluran, ang mga tao ay napapasigaw sa tuwa dahil sa inyo.
Mga Awit 65:5-8 Ang Biblia (TLAB)
Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay, Oh Dios ng aming kaligtasan; ikaw na katiwalaan ng lahat na wakas ng lupa, at nila na malayo sa dagat: Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan; palibhasa't nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan: Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat, ng hugong ng kanilang mga alon, at ng kaingay ng mga bayan. Sila naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda: ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim.
Mga Awit 65:5-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kami'y iyong dinirinig, Tagapagligtas naming Diyos, sa kahanga-hangang gawa, kami'y iyong tinutubos. Kahit sino sa daigdig, sa ibayong karagatan, may tiwala silang lahat sa taglay mong kabutihan. Sa taglay mong kalakasan, mga bundok tumatatag; dakila ka't ang lakas mo ay sa gawa nahahayag! Ang ugong ng karagatan, iyong pinatatahimik, pati along malalaki sa panahong nagngangalit; maging mga kaguluhan nilang mga nagagalit. Dahilan sa ginawa mong mga bagay na dakila, natatakot ang daigdig, at ang buong sangnilikha. Bunga nitong ginawa mo, sa galak ay sumisigaw, buong mundo, kahit saang sulok nitong daigdigan.
Mga Awit 65:5-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay, Oh Dios ng aming kaligtasan; Ikaw na katiwalaan ng lahat na wakas ng lupa, At nila na malayo sa dagat: Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan; Palibhasa't nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan: Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat, Ng hugong ng kanilang mga alon, At ng kaingay ng mga bayan. Sila naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda: Ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim.