Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 65

65
Sa Pangulong Manunugtog. Salmo. Awit ni David.
1Ang kapurihan ay naghihintay sa iyo, Oh Dios, sa Sion:
At sa iyo'y maisasagawa ang panata.
2Oh ikaw na dumidinig ng dalangin,
# Awit 86:9; Is. 66:23. Sa iyo'y paroroon ang lahat ng laman.
3Mga kasamaan ay nangananaig laban sa akin:
Tungkol sa aming pagsalangsang, ay #Awit 51:2; Is. 6:7; Heb. 9:14; 1 Juan 1:7, 9. lilinisin mo.
4 # Awit 33:12. Mapalad ang tao na #Awit 4:3. iyong pinipili, at pinalalapit mo sa iyo,
# Awit 27:4. Upang siya'y makatahan sa iyong mga looban:
# Awit 36:8. Kami ay mangasisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay,
Ng iyong banal na templo.
5Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay,
Oh Dios ng aming kaligtasan;
Ikaw na katiwalaan ng #Awit 22:27. lahat na wakas ng lupa,
At nila na malayo sa dagat:
6Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan;
Palibhasa't nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan:
7 # Awit 89:9; Mat. 8:26. Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat,
Ng hugong ng kanilang mga alon,
# Awit 76:10. At ng kaingay ng mga bayan.
8Sila naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda:
Ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim.
9 # Deut. 11:12. Iyong dinadalaw ang lupa, at #Awit 68:9, 10; Jer. 5:24. dinidilig mo,
Iyong pinayayamang mainam;
# Awit 46:4. Ang ilog ng Dios ay puno ng tubig:
Iyong pinagtataanan sila ng trigo, pagka't inihanda mo ang lupa.
10Iyong dinidilig ang kaniyang bungkal ng sagana;
Iyong pinapantay ang kaniyang mga bungkal;
Iyong mga pinalalambot ng ambon;
Iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon.
11Iyong dinudulutan ang taon ng iyong kabutihan;
At ang iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan.
12Nagsisipatak sa mga #Jer. 9:10. pastulan sa ilang;
At ang mga burol ay nabibigkisan ng kagalakan.
13Ang mga#65:13 Is. 55:12. pastulan ay nangabihisan ng mga kawan;
Ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo;
Sila'y magsisihiyaw sa kagalakan, sila naman ay nagsisiawit.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 65: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in