Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 29:15-27

MGA KAWIKAAN 29:15-27 ABTAG

Ang pamalo at saway ay nagbibigay karunungan: Nguni't ang batang binabayaan ay humihiya sa kaniyang ina. Pagka ang masama ay dumadami, pagsalangsang ay dumadami: Nguni't mamamasdan ng matuwid ang kanilang pagkabuwal. Sawayin mo ang iyong anak, at bibigyan ka niya ng kapahingahan; Oo, bibigyan niya ng kaluguran ang iyong kaluluwa. Kung saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama: Nguni't siyang nagiingat ng kautusan ay maligaya siya. Ang alipin ay hindi masasaway ng mga salita: Sapagka't bagaman nalalaman niya ay hindi siya makikinig. Nakikita mo ba ang tao, na nagmamadali sa kaniyang mga salita? May pagasa pa sa mangmang kay sa kaniya. Siyang maingat na nagpalaki ng kaniyang lingkod mula sa pagkabata, Magiging anak niya siya sa kawakasan. Ang taong magagalitin ay humihila ng kaalitan, At ang mainiting tao ay nananagana sa pagsalangsang. Ang kapalaluan ng tao ay magbababa sa kaniya: Nguni't ang may mapagpakumbabang diwa ay magtatamo ng karangalan. Ang nakikisama sa isang magnanakaw ay nagtatanim sa kaniyang sariling kaluluwa: Siya'y nakakarinig ng sumpa at hindi umiimik. Ang pagkatakot sa tao ay nagdadala ng silo: Nguni't ang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay maliligtas. Marami ang nagsisihanap ng lingap ng pinuno: Nguni't ang kahatulan ng tao ay nagmumula sa Panginoon. Ang di ganap na tao ay karumaldumal sa matuwid: At ang matuwid sa lakad ay karumaldumal sa masama.