Mga Kawikaan 29:15-27
Mga Kawikaan 29:15-27 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Disiplina at pangaral, hatid ay karunungan; ngunit ang batang suwail, sa magulang ay kahihiyan. Kapag masama ang namamahala, naglipana ang karahasan, ngunit masasaksihan ng matuwid ang kanilang kapahamakan. Ang anak mo'y busugin sa pangaral, at pagdating ng araw, siya'y iyong karangalan. Ang bansang walang patnubay ng Diyos ay puno ng kaguluhan, ngunit mapalad ang taong sumusunod sa Kautusan. Ang utusan ay di matututo kung ito lang ay pagsasabihan, pagkat di niya susundin kahit ito ay maunawaan. Mabuti nang di hamak ang hangal kaysa taong ang sinasabi'y hindi na pinag-iisipan. Kapag ang utusan ay iyong pinalayaw, siya na ang mag-uutos pagdating ng araw. Ang taong magagalitin ay laging napapasok sa gulo; laging nakikipag-away dahil sa init ng ulo. Ang magbabagsak sa tao'y ang kanyang kapalaluan, ngunit ang mapagpakumbabá ay magtatamo ng karangalan. Ang makipagsabwatan sa magnanakaw ay mahirap na kalagayan: Kapag nagsabi ng totoo, ipabibilanggo ng hukuman, ngunit paparusahan naman ng Diyos kapag ang sinabi'y kasinungalingan. Huwag mong ikabahala ang sinasabi ng iba, magtiwala ka kay Yahweh at mapapanatag ka. Marami ang lumalapit sa hari upang humingi ng tulong, ngunit kay Yahweh lamang makakamtan ang katarungan. Ang masama ay kinasusuklaman ng mga matuwid; ang masasama nama'y sa matuwid nagagalit.
Mga Kawikaan 29:15-27 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang pagpalo sa bata upang siya ay ituwid ay makapagtuturo sa kanya ng karunungan, ngunit kung pababayaan lang siya, makapagbibigay siya ng kahihiyan sa kanyang magulang. Kapag masama ang namumuno, nadadagdagan ang kasamaan. Ngunit sila ay mapapahamak at makikita ito ng mga matuwid. Disiplinahin mo ang iyong anak at bibigyan ka niya ng kapayapaan at kaligayahan. Kapag tinanggihan ng isang bansa ang turo at gabay ng Dios, wala itong kapayapaan. Mapalad ang mga taong sumusunod sa turo ng Dios. May mga utusan na hindi mo maturuan sa pamamagitan lamang ng salita, sapagkat kahit nauunawaan ka nila, hindi sila nakikinig. Mas mabuti pa ang kahihinatnan ng mangmang kaysa sa taong pabigla-biglang magsalita. Kung mula pagkabata ng iyong utusan ay sinusunod mo ang layaw niya, sa huli ay magiging problema mo siya. Ang taong madaling magalit ay nagpapasimula ng gulo, at palaging nagkakasala. Ang kayabangan ng tao ang magbibigay sa kanya ng kahihiyan, ngunit ang pagpapakumbaba ang magbibigay sa kanya ng karangalan. Ang taong nakikipagsabwatan sa magnanakaw ay ipinapahamak ang kanyang sarili. Kahit na pasumpain siya na magsabi ng totoo ay hindi pa rin magsasabi. Mapanganib kung tayo ay matatakutin. Ngunit kung magtitiwala tayo sa PANGINOON ay ligtas tayo. Maraming lumalapit sa pinuno upang humingi ng pabor, ngunit tanging ang PANGINOON lang ang makapagbibigay ng katarungan. Kinasusuklaman ng mga matuwid ang masasama, at kinasusuklaman din naman ng masasama ang mga matuwid.
Mga Kawikaan 29:15-27 Ang Biblia (TLAB)
Ang pamalo at saway ay nagbibigay karunungan: nguni't ang batang binabayaan ay humihiya sa kaniyang ina. Pagka ang masama ay dumadami, pagsalangsang ay dumadami: nguni't mamamasdan ng matuwid ang kanilang pagkabuwal. Sawayin mo ang iyong anak, at bibigyan ka niya ng kapahingahan; Oo, bibigyan niya ng kaluguran ang iyong kaluluwa. Kung saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama: nguni't siyang nagiingat ng kautusan ay maligaya siya. Ang alipin ay hindi masasaway ng mga salita: sapagka't bagaman nalalaman niya ay hindi siya makikinig. Nakikita mo ba ang tao, na nagmamadali sa kaniyang mga salita? May pagasa pa sa mangmang kay sa kaniya. Siyang maingat na nagpalaki ng kaniyang lingkod mula sa pagkabata, magiging anak niya siya sa kawakasan. Ang taong magagalitin ay humihila ng kaalitan, at ang mainiting tao ay nananagana sa pagsalangsang. Ang kapalaluan ng tao ay magbababa sa kaniya: nguni't ang may mapagpakumbabang diwa ay magtatamo ng karangalan. Ang nakikisama sa isang magnanakaw ay nagtatanim sa kaniyang sariling kaluluwa: siya'y nakakarinig ng sumpa at hindi umiimik. Ang pagkatakot sa tao ay nagdadala ng silo: nguni't ang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay maliligtas. Marami ang nagsisihanap ng lingap ng pinuno: nguni't ang kahatulan ng tao ay nagmumula sa Panginoon. Ang di ganap na tao ay karumaldumal sa matuwid: at ang matuwid sa lakad ay karumaldumal sa masama.
Mga Kawikaan 29:15-27 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Disiplina at pangaral, hatid ay karunungan; ngunit ang batang suwail, sa magulang ay kahihiyan. Kapag masama ang namamahala, naglipana ang karahasan, ngunit masasaksihan ng matuwid ang kanilang kapahamakan. Ang anak mo'y busugin sa pangaral, at pagdating ng araw, siya'y iyong karangalan. Ang bansang walang patnubay ng Diyos ay puno ng kaguluhan, ngunit mapalad ang taong sumusunod sa Kautusan. Ang utusan ay di matututo kung ito lang ay pagsasabihan, pagkat di niya susundin kahit ito ay maunawaan. Mabuti nang di hamak ang hangal kaysa taong ang sinasabi'y hindi na pinag-iisipan. Kapag ang utusan ay iyong pinalayaw, siya na ang mag-uutos pagdating ng araw. Ang taong magagalitin ay laging napapasok sa gulo; laging nakikipag-away dahil sa init ng ulo. Ang magbabagsak sa tao'y ang kanyang kapalaluan, ngunit ang mapagpakumbabá ay magtatamo ng karangalan. Ang makipagsabwatan sa magnanakaw ay mahirap na kalagayan: Kapag nagsabi ng totoo, ipabibilanggo ng hukuman, ngunit paparusahan naman ng Diyos kapag ang sinabi'y kasinungalingan. Huwag mong ikabahala ang sinasabi ng iba, magtiwala ka kay Yahweh at mapapanatag ka. Marami ang lumalapit sa hari upang humingi ng tulong, ngunit kay Yahweh lamang makakamtan ang katarungan. Ang masama ay kinasusuklaman ng mga matuwid; ang masasama nama'y sa matuwid nagagalit.
Mga Kawikaan 29:15-27 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang pamalo at saway ay nagbibigay karunungan: Nguni't ang batang binabayaan ay humihiya sa kaniyang ina. Pagka ang masama ay dumadami, pagsalangsang ay dumadami: Nguni't mamamasdan ng matuwid ang kanilang pagkabuwal. Sawayin mo ang iyong anak, at bibigyan ka niya ng kapahingahan; Oo, bibigyan niya ng kaluguran ang iyong kaluluwa. Kung saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama: Nguni't siyang nagiingat ng kautusan ay maligaya siya. Ang alipin ay hindi masasaway ng mga salita: Sapagka't bagaman nalalaman niya ay hindi siya makikinig. Nakikita mo ba ang tao, na nagmamadali sa kaniyang mga salita? May pagasa pa sa mangmang kay sa kaniya. Siyang maingat na nagpalaki ng kaniyang lingkod mula sa pagkabata, Magiging anak niya siya sa kawakasan. Ang taong magagalitin ay humihila ng kaalitan, At ang mainiting tao ay nananagana sa pagsalangsang. Ang kapalaluan ng tao ay magbababa sa kaniya: Nguni't ang may mapagpakumbabang diwa ay magtatamo ng karangalan. Ang nakikisama sa isang magnanakaw ay nagtatanim sa kaniyang sariling kaluluwa: Siya'y nakakarinig ng sumpa at hindi umiimik. Ang pagkatakot sa tao ay nagdadala ng silo: Nguni't ang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay maliligtas. Marami ang nagsisihanap ng lingap ng pinuno: Nguni't ang kahatulan ng tao ay nagmumula sa Panginoon. Ang di ganap na tao ay karumaldumal sa matuwid: At ang matuwid sa lakad ay karumaldumal sa masama.