Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 16:1-18

MGA KAWIKAAN 16:1-18 ABTAG

Ang mga paghahanda ng puso ay ukol sa tao: Nguni't ang sagot ng dila ay mula sa Panginoon. Ang lahat ng mga lakad ng tao ay malinis sa harap ng kaniyang sariling mga mata: Nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga diwa. Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa, At ang iyong mga panukala ay matatatag. Ginawa ng Panginoon ang bawa't bagay na ukol sa kaniyang sariling wakas: Oo, pati ng masama na ukol sa kaarawan ng kasamaan. Bawa't palalo sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon: Bagaman maghawakan sa kamay ay walang pagsalang parurusahan. Sa pamamagitan ng kaawaan at katotohanan ay nalilinis ang kasamaan: At sa pamamagitan ng pagkatakot sa Panginoon ay humihiwalay ang mga tao sa kasamaan. Pagka ang mga lakad ng tao ay nakapagpapalugod sa Panginoon, Kaniyang tinitiwasay sa kaniya pati ng kaniyang mga kaaway. Maigi ang kaunti na may katuwiran Kay sa malalaking pakinabang na walang kaganapan. Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: Nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang. Banal na hatol ay nasa mga labi ng hari: At kaniyang bibig ay hindi sasalangsang sa kahatulan. Ang ganap na timbangan at panimbang ay sa Panginoon: Lahat ng timbang na supot ay kaniyang gawa. Kasuklamsuklam sa mga hari na gumawa ng kasamaan: Sapagka't ang luklukan ay natatatag sa pamamagitan ng katuwiran. Mga matuwid na labi ay kaluguran ng mga hari; At kanilang iniibig ang nagsasalita ng matuwid. Ang poot ng hari ay gaya ng mga sugo ng kamatayan: Nguni't papayapain ng pantas. Nasa liwanag ng mukha ng hari ang buhay; At ang kaniyang lingap ay parang alapaap ng huling ulan. Pagkaigi nga na magtamo ng karunungan kay sa ginto! Oo, magtamo ng kaunawaan ay maigi kay sa pumili ng pilak. Ang maluwang na lansangan ng matuwid ay humiwalay sa kasamaan: Siyang nagiingat ng kaniyang lakad ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa. Ang kapalaluan ay nagpapauna sa kapahamakan, At ang mapagmataas na diwa ay sa pagkabuwal.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA KAWIKAAN 16:1-18