Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 16:1-18

Mga Kawikaan 16:1-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Ang mga paghahanda ng puso ay ukol sa tao: Nguni't ang sagot ng dila ay mula sa Panginoon. Ang lahat ng mga lakad ng tao ay malinis sa harap ng kaniyang sariling mga mata: Nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga diwa. Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa, At ang iyong mga panukala ay matatatag. Ginawa ng Panginoon ang bawa't bagay na ukol sa kaniyang sariling wakas: Oo, pati ng masama na ukol sa kaarawan ng kasamaan. Bawa't palalo sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon: Bagaman maghawakan sa kamay ay walang pagsalang parurusahan. Sa pamamagitan ng kaawaan at katotohanan ay nalilinis ang kasamaan: At sa pamamagitan ng pagkatakot sa Panginoon ay humihiwalay ang mga tao sa kasamaan. Pagka ang mga lakad ng tao ay nakapagpapalugod sa Panginoon, Kaniyang tinitiwasay sa kaniya pati ng kaniyang mga kaaway. Maigi ang kaunti na may katuwiran Kay sa malalaking pakinabang na walang kaganapan. Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: Nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang. Banal na hatol ay nasa mga labi ng hari: At kaniyang bibig ay hindi sasalangsang sa kahatulan. Ang ganap na timbangan at panimbang ay sa Panginoon: Lahat ng timbang na supot ay kaniyang gawa. Kasuklamsuklam sa mga hari na gumawa ng kasamaan: Sapagka't ang luklukan ay natatatag sa pamamagitan ng katuwiran. Mga matuwid na labi ay kaluguran ng mga hari; At kanilang iniibig ang nagsasalita ng matuwid. Ang poot ng hari ay gaya ng mga sugo ng kamatayan: Nguni't papayapain ng pantas. Nasa liwanag ng mukha ng hari ang buhay; At ang kaniyang lingap ay parang alapaap ng huling ulan. Pagkaigi nga na magtamo ng karunungan kay sa ginto! Oo, magtamo ng kaunawaan ay maigi kay sa pumili ng pilak. Ang maluwang na lansangan ng matuwid ay humiwalay sa kasamaan: Siyang nagiingat ng kaniyang lakad ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa. Ang kapalaluan ay nagpapauna sa kapahamakan, At ang mapagmataas na diwa ay sa pagkabuwal.

Mga Kawikaan 16:1-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Ang mga balak ng isipan ay sa tao nagmumula, ngunit mula kay Yahweh ang sagot ng dila. Ang akala ng tao ay tama ang kanyang kilos, ngunit sa tunay niyang layon, si Yahweh ang nakatatalos. Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin, at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin. Lahat ng nilalang ni Yahweh ay mayroong kadahilanan, at ang masasama, kaparusahan ang kahihinatnan. Kinamumuhian ni Yahweh ang lahat ng mayayabang, at sila'y tiyak na paparusahan. Katapatan kay Yahweh, bunga ay kapatawaran, ang sa kanya'y gumagalang at sumusunod, malayo sa kasamaan. Kung ang buhay ng tao ay kalugud-lugod kay Yahweh, maging ang mga kalaban, sa kanya'y makikipagbati. Ang maliit na halaga buhat sa mabuting paraan ay higit na mabuti sa yamang buhat sa kasamaan. Ang tao ang nagbabalak, ngunit si Yahweh ang nagpapatupad. Ang bibig ng hari ay bukal ng mga pasyang kinasihan, hindi siya namamali sa lahat niyang kahatulan. Ang nais ni Yahweh ay tamang timbangan, at sa negosyo ay katapatan. Di dapat tulutan ng isang hari ang gawang kasamaan, pagkat ang katatagan ng pamamahala ay nasa katarungan. Ang nais pakinggan ng hari ay ang katotohanan, at ang nagsasabi nito ay kanyang kinalulugdan. Sinisikap ng matalino na masiyahan ang kanyang hari; kapag nagalit ang hari, may buhay na masasawi. Ang kagandahang-loob ng hari ay parang ulap na makapal, may dalang ulan, may taglay na buhay. Higit na mainam sa ginto ang magkaroon ng karunungan, at higit kaysa pilak ang magtaglay ng pang-unawa. Ang landas ng matuwid ay palayo sa kasamaan; ang maingat sa paglakad ay nag-iingat sa kanyang buhay. Ang kapalalua'y humahantong sa pagkawasak, at ang mapagmataas na isipan ay ibabagsak.

Mga Kawikaan 16:1-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

Nasa tao ang pagpaplano, ngunit ang PANGINOON ang nagpapasya kung magaganap ito o hindi. Inaakala natin na tama ang lahat ng ating ginagawa, ngunit ang PANGINOON lang ang makakapaghusga kung ano talaga ang ating motibo. Ipagkatiwala mo sa PANGINOON ang lahat ng iyong gagawin, at magtatagumpay ka. Ang lahat ay nilikha ng PANGINOON na mayroong layunin, kahit na nga ang masasama, itinalaga sila para sa kapahamakan. Kinasusuklaman ng PANGINOON ang mayayabang at tiyak na silaʼy parurusahan. Kung minamahal natin ang PANGINOON nang may katapatan, patatawarin niya ang ating mga kasalanan. Kung may takot tayo sa kanya nang may paggalang, makalalayo tayo sa kasamaan. Kapag kinalulugdan ng PANGINOON ang ating pamumuhay, kahit na ang ating kaaway ay gagawin niyang ating kaibigan. Mas mabuti ang kaunting halaga na pinaghirapan, kaysa sa malaking kayamanang galing sa masamang paraan. Ang tao ang nagpaplano, ngunit nasa PANGINOON ang kaganapan nito. Ang haring pinapatnubayan ng PANGINOON, palaging tama ang paghatol. Ayaw ng PANGINOON ang dayaan sa kalakalan. Sa mga hari ay kasuklam-suklam ang paggawa ng kasamaan, dahil magpapatuloy lamang ang kanilang pamamahala kung sila ay makatuwiran. Nalulugod ang mga hari sa mga taong hindi nagsisinungaling; minamahal nila ang mga taong nagsasabi ng katotohanan. Kapag ang hari ay nagalit maaaring may masawi, kaya sinisikap ng taong marunong na malugod ang hari. Hindi pinapatay ng hari ang taong sa kanya ay kalugod-lugod; pinakikitaan niya ito ng kabutihan gaya ng ulan sa panahon ng tagsibol. Higit na mabuti ang magkaroon ng karunungan at pang-unawa, kaysa sa magkaroon ng pilak at ginto. Ang namumuhay nang matuwid ay lumalayo sa kasamaan, at ang nag-iingat ng kanyang sarili ay nalalayo sa kapahamakan. Ang kayabangan ay humahantong sa kapahamakan, at ang nagmamataas ay ibabagsak.

Mga Kawikaan 16:1-18 Ang Biblia (TLAB)

Ang mga paghahanda ng puso ay ukol sa tao: nguni't ang sagot ng dila ay mula sa Panginoon. Ang lahat ng mga lakad ng tao ay malinis sa harap ng kaniyang sariling mga mata: nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga diwa. Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa, at ang iyong mga panukala ay matatatag. Ginawa ng Panginoon ang bawa't bagay na ukol sa kaniyang sariling wakas: Oo, pati ng masama na ukol sa kaarawan ng kasamaan. Bawa't palalo sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon: bagaman maghawakan sa kamay ay walang pagsalang parurusahan. Sa pamamagitan ng kaawaan at katotohanan ay nalilinis ang kasamaan: at sa pamamagitan ng pagkatakot sa Panginoon ay humihiwalay ang mga tao sa kasamaan. Pagka ang mga lakad ng tao ay nakapagpapalugod sa Panginoon, kaniyang tinitiwasay sa kaniya pati ng kaniyang mga kaaway. Maigi ang kaunti na may katuwiran kay sa malalaking pakinabang na walang kaganapan. Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang. Banal na hatol ay nasa mga labi ng hari: at kaniyang bibig ay hindi sasalangsang sa kahatulan. Ang ganap na timbangan at panimbang ay sa Panginoon: lahat ng timbang na supot ay kaniyang gawa. Kasuklamsuklam sa mga hari na gumawa ng kasamaan: sapagka't ang luklukan ay natatatag sa pamamagitan ng katuwiran. Mga matuwid na labi ay kaluguran ng mga hari; at kanilang iniibig ang nagsasalita ng matuwid. Ang poot ng hari ay gaya ng mga sugo ng kamatayan: nguni't papayapain ng pantas. Nasa liwanag ng mukha ng hari ang buhay; at ang kaniyang lingap ay parang alapaap ng huling ulan. Pagkaigi nga na magtamo ng karunungan kay sa ginto! Oo, magtamo ng kaunawaan ay maigi kay sa pumili ng pilak. Ang maluwang na lansangan ng matuwid ay humiwalay sa kasamaan: siyang nagiingat ng kaniyang lakad ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa. Ang kapalaluan ay nagpapauna sa kapahamakan, at ang mapagmataas na diwa ay sa pagkabuwal.

Mga Kawikaan 16:1-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)