Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 15:12-24

MGA KAWIKAAN 15:12-24 ABTAG

Ayaw ang manglilibak na siya'y sawayin. Siya'y hindi paroroon sa pantas. Ang masayang puso ay nagpapasaya ng mukha: Nguni't sa kapanglawan ng puso ay nababagbag ang diwa. Ang puso niyaong naguunawa ay humahanap ng kaalaman: Nguni't ang bibig ng mga mangmang ay kumakain ng kamangmangan. Lahat ng mga araw sa nagdadalamhati ay masama: Nguni't siyang may masayang puso ay may laging kapistahan. Maigi ang kaunti na may pagkatakot sa Panginoon, Kay sa malaking kayamanan na may kabagabagan. Maigi ang pagkaing gulay na may pagibig, Kay sa matabang baka at may pagtataniman. Ang mainiting tao ay humihila ng pagtatalo: Nguni't siyang makupad sa galit ay pumapayapa ng kaalitan. Ang daan ng tamad ay gaya ng bakuran na mga dawag: Nguni't ang landas ng matuwid ay ginagawang maluwang na lansangan. Ang pantas na anak ay nagpapasaya ng ama: Nguni't hinahamak ng mangmang ang kaniyang ina. Ang kamangmangan ay kagalakan sa walang bait: Nguni't pinatutuwid ng maalam ang kaniyang lakad. Kung saan walang payo ay nagugulo ang mga panukala: Nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay nangatatatag. Ang tao ay may kagalakan sa sagot ng kaniyang bibig: At ang salita sa ukol na panahon, ay anong pagkabuti! Sa pantas ay paitaas ang daan ng buhay, Upang kaniyang mahiwalayan ang Sheol sa ibaba.