May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak: Nguni't ang dila ng pantas ay kagalingan. Ang labi ng katotohanan ay matatatag kailan man. Nguni't ang sinungaling na dila ay sa sangdali lamang. Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan: Nguni't sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan. Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid: Nguni't ang masama ay mapupuno ng kasamaan. Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon: Nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran. Ang taong mabait ay nagkukubli ng kaalaman: Nguni't ang puso ng mga mangmang ay nagtatanyag ng kamangmangan. Ang kamay ng masipag ay magpupuno: Nguni't ang tamad ay malalagay sa pagatag. Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot; Nguni't ang mabuting salita ay nagpapasaya. Ang matuwid ay patnubay sa kaniyang kapuwa: Nguni't ang lakad ng masama ay nakapagpapaligaw. Ang tamad ay hindi nagiihaw ng kahit kaniyang napapangasuhan; Nguni't ang mahalagang pagaari ng tao ay sa mga masisipag.
Basahin MGA KAWIKAAN 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA KAWIKAAN 12:18-27
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas