Mga salitang padalus-dalos ay parang ulos ng espada, ngunit ang dila ng pantas ay kagalingan ang dala. Ang labi ng katotohanan ay nagtatagal kailanman, ngunit ang sinungaling na dila ay panandalian lamang. Ang pandaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan, ngunit ang nagpaplano ng kabutihan ay may kagalakan. Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid, ngunit ang masama ay napupuno ng panganib. Mga sinungaling na labi sa PANGINOON ay kasuklamsuklam, ngunit ang gumagawa nang may katotohanan ay kanyang kinalulugdan. Ang taong marunong ay nagkukubli ng kaalaman; ngunit ipinahahayag ng puso ng mga hangal ang kanilang kahangalan. Ang kamay ng masipag ay mamamahala, ngunit ang tamad ay malalagay sa sapilitang paggawa. Nagpapabigat sa puso ng tao ang pagkabalisa, ngunit ang mabuting salita ay nagpapasaya sa kanya. Ang matuwid sa kanyang kapwa ay patnubay, ngunit ang lakad ng masama sa kanila'y nakapagpapaligaw. Hindi makakahuli ng hayop ang taong tamad, ngunit magkakamit ng mahalagang kayamanan ang masipag.
Basahin MGA KAWIKAAN 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA KAWIKAAN 12:18-27
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas