Mga Kawikaan 12:18-27
Mga Kawikaan 12:18-27 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang matalas na pananalita ay sumusugat ng damdamin, ngunit sa magandang pananalita, sakit ng loob ay gumagaling. Ang tapat na labi ay mananatili kailanman, ngunit ang dilang sinungaling ay hindi magtatagal. Ang nagbabalak ng masama ay mag-aani ng kapahamakan, ngunit ang nag-iisip ng mabuti'y magtatamo ng kagalakan. Ang kasamaang-palad ay malayo sa matuwid, ngunit ang buhay ng masama ay puno ng ligalig. Namumuhi si Yahweh sa taong sinungaling, ngunit ang tapat ay ligaya niya at aliw. Hindi agad sinasabi ang alam ng matalino, ngunit kahangalan ay inihahayag ng mangmang na tao. Balang araw ang masikap ang mamamahala, ngunit ang tamad ay mananatiling alila. Nagpapahina sa loob ng isang tao ang kabalisahan, ngunit ang magandang balita'y may dulot na kasiglahan. Ang payo ng kaibigang matuwid ay isang gabay, ngunit ang daan ng masama ay tungo sa pagkaligaw. Hindi makakamit ng tamad ang kanyang hinahangad, ngunit ang masikap ay laging may magandang hinaharap.
Mga Kawikaan 12:18-27 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang pabigla-biglang salita ay nakakasugat ng damdamin, ngunit ang magandang salita ay nagpapagaling. Ang katotohanan ay mananatili kailanman, ngunit hindi magtatagal ang kasinungalingan. Pandaraya ang nasa puso ng mga taong nagbabalak ng masama, ngunit kagalakan ang nasa puso ng mga taong nagbabalak ng mabuti. Walang mangyayaring masama sa taong matuwid, ngunit sa masama, pawang kaguluhan ang mararanasan. Nasusuklam ang PANGINOON sa mga nagsasabi ng kasinungalingan, ngunit nalulugod siya sa nagsasabi ng katotohanan. Hindi ipinagyayabang ng taong marunong ang kanyang nalalaman, ngunit ang hangal ay ibinibida ang kanyang kahangalan. Ang taong masipag ay magiging pinuno, ngunit ang tamad ay magiging alipin. Nakapagpapalungkot sa tao ang kabalisahan, ngunit ang magandang pananalita ay kaaliwan. Ginagabayan ng taong matuwid ang kanyang kaibigan, ngunit ililigaw ka ng taong masama. Hindi makakamit ng taong tamad ang kanyang hinahangad, ngunit ang taong masipag maganda ang hinaharap.
Mga Kawikaan 12:18-27 Ang Biblia (TLAB)
May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak: nguni't ang dila ng pantas ay kagalingan. Ang labi ng katotohanan ay matatatag kailan man. Nguni't ang sinungaling na dila ay sa sangdali lamang. Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan: nguni't sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan. Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid: nguni't ang masama ay mapupuno ng kasamaan. Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran. Ang taong mabait ay nagkukubli ng kaalaman: nguni't ang puso ng mga mangmang ay nagtatanyag ng kamangmangan. Ang kamay ng masipag ay magpupuno: nguni't ang tamad ay malalagay sa pagatag. Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot; nguni't ang mabuting salita ay nagpapasaya. Ang matuwid ay patnubay sa kaniyang kapuwa: nguni't ang lakad ng masama ay nakapagpapaligaw. Ang tamad ay hindi nagiihaw ng kahit kaniyang napapangasuhan; nguni't ang mahalagang pag-aari ng tao ay sa mga masisipag.
Mga Kawikaan 12:18-27 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang matalas na pananalita ay sumusugat ng damdamin, ngunit sa magandang pananalita, sakit ng loob ay gumagaling. Ang tapat na labi ay mananatili kailanman, ngunit ang dilang sinungaling ay hindi magtatagal. Ang nagbabalak ng masama ay mag-aani ng kapahamakan, ngunit ang nag-iisip ng mabuti'y magtatamo ng kagalakan. Ang kasamaang-palad ay malayo sa matuwid, ngunit ang buhay ng masama ay puno ng ligalig. Namumuhi si Yahweh sa taong sinungaling, ngunit ang tapat ay ligaya niya at aliw. Hindi agad sinasabi ang alam ng matalino, ngunit kahangalan ay inihahayag ng mangmang na tao. Balang araw ang masikap ang mamamahala, ngunit ang tamad ay mananatiling alila. Nagpapahina sa loob ng isang tao ang kabalisahan, ngunit ang magandang balita'y may dulot na kasiglahan. Ang payo ng kaibigang matuwid ay isang gabay, ngunit ang daan ng masama ay tungo sa pagkaligaw. Hindi makakamit ng tamad ang kanyang hinahangad, ngunit ang masikap ay laging may magandang hinaharap.
Mga Kawikaan 12:18-27 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak: Nguni't ang dila ng pantas ay kagalingan. Ang labi ng katotohanan ay matatatag kailan man. Nguni't ang sinungaling na dila ay sa sangdali lamang. Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan: Nguni't sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan. Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid: Nguni't ang masama ay mapupuno ng kasamaan. Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon: Nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran. Ang taong mabait ay nagkukubli ng kaalaman: Nguni't ang puso ng mga mangmang ay nagtatanyag ng kamangmangan. Ang kamay ng masipag ay magpupuno: Nguni't ang tamad ay malalagay sa pagatag. Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot; Nguni't ang mabuting salita ay nagpapasaya. Ang matuwid ay patnubay sa kaniyang kapuwa: Nguni't ang lakad ng masama ay nakapagpapaligaw. Ang tamad ay hindi nagiihaw ng kahit kaniyang napapangasuhan; Nguni't ang mahalagang pagaari ng tao ay sa mga masisipag.