Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA PANAGHOY 3:1-20

MGA PANAGHOY 3:1-20 ABTAG

Ako ang tao na nakakita ng pagdadalamtahi sa pamalo ng iyong poot. Ako'y kaniyang pinatnubayan at pinalakad sa kadiliman, at hindi sa liwanag. Tunay na laban sa akin ay kaniyang iginagalaw ang kaniyang kamay na muli't muli buong araw Ang aking laman at aking balat ay pinatanda niya; kaniyang binali ang aking mga buto. Ako'y kinalaban niya, at kinulong ako ng hirap at pagdaramdam. Kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, gaya ng nangamatay nang malaon. Kaniyang binakuran ako na anopa't ako'y hindi makalabas; kaniyang pinabigat ang aking tanikala. Oo, pagka ako'y dumadaing, at humihinging tulong, kaniyang pinagsasarhan ang aking daing. Kaniyang binakuran ang aking mga daan ng tinabas na bato, kaniyang iniliko ang aking mga landas. Siya'y parang oso na nagaabang sa akin, parang leon sa mga kubling dako. Kaniyang iniligaw ang aking mga lakad, at ako'y pinagwaraywaray niya; kaniyang ipinahamak ako; Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at ginawa akong pinaka tanda sa pana. Ang mga pana ng kaniyang lalagyan ng pana ay kaniyang isinasaksak sa aking mga bato ng katawan. Ako'y naging kakutyaan sa aking buong bayan, at kanilang awit buong araw. Kaniyang pinuspos ako ng kapanglawan, kaniyang sinuya ako ng ajenjo. Kaniya namang biningot ang aking mga ngipin ng mga maliliit na grava; kaniyang tinabunan ako ng mga abo. At iyong inilayo ang aking kaluluwa sa kapayapaan; ako'y nakalimot ng kaginhawahan. At aking sinabi, Ang lakas ko'y nawala, at ang aking pagasa sa Panginoon. Alalahanin mo ang aking pagdadalamhati at ang aking karalitaan, ang ajenjo at ng apdo. Ang kaluluwa ko'y naaalaala pa nila, at napangumbaba sa loob ko.