Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JOB 6:1-4

JOB 6:1-4 ABTAG

Nang magkagayo'y sumagot si Job at nagsabi, Oh timbangin nawa ang aking pagkainip, At ang aking mga kasakunaan ay malagay sa mga timbangan na magkakasama. Sapagka't ngayo'y magiging lalong mabigat kay sa buhangin sa mga dagat: Kaya't ang aking pananalita ay napabigla. Sapagka't ang mga palaso ng Makapangyarihan sa lahat ay nasasaksak sa akin, Ang lason niyaon ay hinitit ng aking diwa; Ang mga pangkilabot ng Dios ay nangahahanay laban sa akin.