Job 6:1-4
Job 6:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang sagot ni Job: “Ang suliranin ko't paghihirap, kung titimbanging lahat, magiging mabigat pa kaysa buhangin sa dagat; kaya mabibigat kong salita'y huwag ninyong ikagulat. Ako'y pinana ng Diyos na Makapangyarihan, lason ng palaso'y kumalat sa aking katawan, galit ng Diyos, sa akin ay inihanay.
Job 6:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sumagot si Job, “Kung matitimbang lang ang dinaranas kong pagtitiis at paghihirap, mas mabigat pa ito kaysa sa buhangin sa tabing-dagat. Iyan ang dahilan kung bakit nagsasalita ako nang hindi ko pinag-iisipan nang mabuti. Sapagkat para akong pinana ng Makapangyarihan na Dios ng panang nakakalason, at ang lason nitoʼy kumalat sa buo kong katawan. Ang nakakatakot na pana ng Dios ay nakatusok na sa akin.
Job 6:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Nang magkagayo'y sumagot si Job at nagsabi, Oh timbangin nawa ang aking pagkainip, at ang aking mga kasakunaan ay malagay sa mga timbangan na magkakasama. Sapagka't ngayo'y magiging lalong mabigat kay sa buhangin sa mga dagat: kaya't ang aking pananalita ay napabigla. Sapagka't ang mga palaso ng Makapangyarihan sa lahat ay nasasaksak sa akin, ang lason niyaon ay hinitit ng aking diwa; ang mga pangkilabot ng Dios ay nangahahanay laban sa akin.
Job 6:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang sagot ni Job: “Ang suliranin ko't paghihirap, kung titimbanging lahat, magiging mabigat pa kaysa buhangin sa dagat; kaya mabibigat kong salita'y huwag ninyong ikagulat. Ako'y pinana ng Diyos na Makapangyarihan, lason ng palaso'y kumalat sa aking katawan, galit ng Diyos, sa akin ay inihanay.
Job 6:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Nang magkagayo'y sumagot si Job at nagsabi, Oh timbangin nawa ang aking pagkainip, At ang aking mga kasakunaan ay malagay sa mga timbangan na magkakasama. Sapagka't ngayo'y magiging lalong mabigat kay sa buhangin sa mga dagat: Kaya't ang aking pananalita ay napabigla. Sapagka't ang mga palaso ng Makapangyarihan sa lahat ay nasasaksak sa akin, Ang lason niyaon ay hinitit ng aking diwa; Ang mga pangkilabot ng Dios ay nangahahanay laban sa akin.