Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JOB 6:1-4

JOB 6:1-4 ABTAG01

Pagkatapos ay sumagot si Job at sinabi, “O tinimbang sana ang aking pagkayamot, at lahat ng aking mga sakuna ay inilagay sana sa mga timbangan. Sapagkat kung gayon iyon ay magiging mas mabigat pa kaysa buhangin sa dagat; kaya't ang aking mga salita ay naging padalus-dalos. Sapagkat ang mga palaso ng Makapangyarihan sa lahat ay nasa akin, iniinom ng aking espiritu ang kanilang lason; ang mga kilabot ng Diyos ay nakahanay laban sa akin.