Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

SEFANIAS 1:2-5

SEFANIAS 1:2-5 ABTAG01

“Aking lubos na lilipulin ang lahat ng bagay sa ibabaw ng lupa,” sabi ng PANGINOON. “Aking pupuksain ang tao at ang hayop; lilipulin ko ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, at ang katitisuran kasama ang masasama; aking aalisin ang sangkatauhan sa ibabaw ng lupa,” sabi ng PANGINOON. “Aking iuunat ang aking kamay laban sa Juda, at laban sa lahat ng naninirahan sa Jerusalem; at aking aalisin mula sa lugar na ito ang nalabi ni Baal, at ang mga pangalan ng mga paring sumasamba sa diyus-diyosan kasama ang mga pari; yaong mga yumuyukod sa mga bubungan sa mga bagay na nasa kalangitan; sa mga yumuyukod at sumusumpa rin sa PANGINOON at gayunma'y sumusumpa sa pangalan ni Malcam