Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Zefanias 1:2-5

Zefanias 1:2-5 RTPV05

“Wawasakin ko ang lahat ng bagay sa balat ng lupa,” sabi ni Yahweh. “Pupuksain ko ang lahat ng tao at hayop; papatayin ko ang mga ibon sa himpapawid at ang mga isda sa dagat. Ibabagsak ko ang masasama; lilipulin ko ang sangkatauhan sa balat ng lupa,” sabi ni Yahweh. “Paparusahan ko ang lahat ng mamamayan ng Juda at ng Jerusalem. Wawasakin ko rin sa dakong ito ang mga nalalabing bakas ng pagsamba kay Baal at lubusan nang malilimutan ang mga paring naglilingkod sa mga diyus-diyosan. Kabilang dito ang mga umaakyat sa kanilang bubungan upang sumamba sa araw, sa buwan at sa mga bituin. Ang mga taong kunwa'y nanunumpa sa pangalan ni Yahweh ngunit sa pangalan naman pala ni Milcom