Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

SEFANIAS 1:12-18

SEFANIAS 1:12-18 ABTAG01

At sa panahong iyon, ang Jerusalem ay sisiyasatin ko sa pamamagitan ng ilawan, at aking parurusahan ang mga tao na nagsisiupo sa kanilang mga latak, na nagsasabi sa kanilang puso, ‘Ang PANGINOON ay hindi gagawa ng mabuti, ni gagawa man siya ng masama.’ At ang kanilang kayamanan ay nanakawin, at ang kanilang mga bahay ay gigibain. Bagaman sila'y nagtatayo ng mga bahay, hindi nila titirahan ang mga iyon; bagaman sila'y nagtatanim ng ubasan, hindi sila iinom ng alak niyon.” Ang dakilang araw ng PANGINOON ay malapit na, malapit na at napakabilis na dumarating, ang tinig ng araw ng PANGINOON, ang makapangyarihang tao ay sumisigaw nang may kapaitan roon. Ang araw na iyon ay araw ng pagkapoot, araw ng kaguluhan at kahapisan, araw ng pagkawasak at pagkasira, araw ng kadiliman at kalumbayan, araw ng mga ulap at makapal na kadiliman, araw ng tunog ng tambuli at ng hudyat ng digmaan, laban sa mga lunsod na may muog, at laban sa mataas na kuta. At aking dadalhan ng kahapisan ang mga tao, upang sila'y lumakad na parang mga bulag, sapagkat sila'y nagkasala laban sa PANGINOON; at ang kanilang dugo ay ibubuhos na parang alabok, at ang kanilang laman ay parang dumi. Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makakapagligtas sa kanila sa araw ng poot ng PANGINOON. Sa apoy ng kanyang naninibughong poot ang buong lupa ay matutupok; sapagkat isang ganap at biglang paglipol ang kanyang gagawin, sa lahat ng naninirahan sa daigdig.