Zefanias 1:12-18
Zefanias 1:12-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Sa panahong iyon ay gagamit ako ng ilawan upang halughugin ang Jerusalem. Paparusahan ko ang mga taong labis na nagtitiwala sa sarili at nagsasabing, ‘Si Yahweh ay walang gagawin para sa ating ikabubuti o ikasasamâ.’ Sasamsamin ang kanilang kayamanan, at sisirain ang kanilang mga bahay. Magtatayo sila ng mga bahay ngunit hindi nila matitirhan; magtatanim sila ng mga ubas ngunit hindi sila makakatikim ng alak nito.” Malapit na ang dakilang araw ni Yahweh, at ito'y mabilis na dumarating. Kapaitan ang dulot ng araw na iyon; maging ang matatapang ay iiyak nang malakas. Iyon ay araw ng poot, ligalig at dalamhati, araw ng pagkasira at pagkawasak, araw ng kadiliman at kalungkutan, araw ng maitim at makakapal na ulap. Araw ng pagtunog ng trumpeta at ng sigawan ng mga sumasalakay sa mga napapaderang lunsod at nagtataasang tore. Padadalhan ko ng matinding kalungkutan ang mga tao; lalakad sila na parang bulag, sapagkat nagkasala sila laban kay Yahweh. Mabubuhos na parang tubig ang kanilang dugo, at mangangalat ang kanilang bangkay na parang basura. Hindi sila maililigtas ng kanilang pilak o ginto sa araw ng poot ni Yahweh. Matutupok sa apoy ng kanyang mapanibughuing poot ang buong daigdig, sapagkat bigla niyang wawasakin ang lahat ng naninirahan sa lupa.
Zefanias 1:12-18 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sa araw ding iyon, susuyurin kong mabuti ang Jerusalem at parurusahan ko ang mga taong nagpapasarap lang sa buhay at nagsasabi sa kanilang sarili, ‘Walang gagawin ang PANGINOON sa amin mabuti man o masama.’ Aagawin sa mga taong ito ang kanilang mga pag-aari at wawasakin ang kanilang mga bahay. Hindi sila ang titira sa mga bahay na kanilang itinayo. At hindi sila ang iinom ng inuming mula sa ubas na kanilang itinanim.” Malapit na ang nakakatakot na araw ng paghatol ng PANGINOON. Itoʼy mabilis na dumarating. Mapait ang araw na iyon, dahil kahit na ang matatapang na sundalo ay sisigaw para humingi ng tulong. Sa araw na iyon, ipapakita ng Diyos ang kanyang galit. Magiging araw iyon ng pighati at paghihirap, araw ng pagkasira at lubusang pagkawasak. Magiging maulap at madilim ang araw na iyon, at maririnig ang tunog ng trumpeta at sigawan ng mga sundalong sumasalakay sa mga napapaderang lungsod at sa matataas na tore nito. “Sinabi ng PANGINOON, ‘Ipaparanas ko ang paghihirap sa mga tao, at lalakad sila na parang bulag dahil nagkasala sila sa akin. Dadaloy na parang tubig ang kanilang dugo, at mabubulok na parang dumi ang kanilang bangkay. Hindi sila maililigtas ng kanilang mga pilak at ginto sa araw na ipapakita ko ang aking poot na parang apoy na tutupok sa buong mundo. Sapagkat tuluyan kong wawakasan ang lahat nang naninirahan sa lupa.’ ”
Zefanias 1:12-18 Ang Biblia (TLAB)
At mangyayari sa panahong yaon, na ang Jerusalem ay sisiyasatin kong may mga ilawan; at aking parurusahan ang mga tao na nagsisiupo sa kanilang mga latak, na nangagsasabi sa kanilang puso, Ang Panginoo'y hindi gagawa ng mabuti, ni gagawa man siya ng masama. At ang kanilang kayamanan ay magiging samsam, at ang kanilang mga bahay ay kasiraan: oo, sila'y mangagtatayo ng mga bahay, nguni't hindi nila titirahan; at sila'y mag-uubasan, nguni't hindi sila magsisiinom ng alak niyaon. Ang dakilang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, malapit na at nagmamadaling mainam, sa makatuwid baga'y ang tinig ng kaarawan ng Panginoon; ang makapangyarihang tao ay sumisigaw roon ng kalagimlagim. Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan, kaarawan ng kabagabagan at kahapisan, kaarawan ng kawakasan at kasiraan, kaarawan ng kadiliman at kalumbayan, kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman, Kaarawan ng pakakak at ng hudyatan, laban sa mga bayang nakukutaan, at laban sa mataas na kuta. At aking dadalhan ng kahapisan ang mga tao, na sila'y magsisilakad na parang mga bulag, sapagka't sila'y nangagkasala laban sa Panginoon; at ang kanilang dugo ay mabububo na parang alabok, at ang kanilang katawan ay parang dumi. Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ang buong lupain ay masusupok sa pamamagitan ng apoy ng kaniyang paninibugho: sapagka't wawakasan niya, oo, isang kakilakilabot na wakas, nilang lahat na nagsisitahan sa lupain.
Zefanias 1:12-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Sa panahong iyon ay gagamit ako ng ilawan upang halughugin ang Jerusalem. Paparusahan ko ang mga taong labis na nagtitiwala sa sarili at nagsasabing, ‘Si Yahweh ay walang gagawin para sa ating ikabubuti o ikasasamâ.’ Sasamsamin ang kanilang kayamanan, at sisirain ang kanilang mga bahay. Magtatayo sila ng mga bahay ngunit hindi nila matitirhan; magtatanim sila ng mga ubas ngunit hindi sila makakatikim ng alak nito.” Malapit na ang dakilang araw ni Yahweh, at ito'y mabilis na dumarating. Kapaitan ang dulot ng araw na iyon; maging ang matatapang ay iiyak nang malakas. Iyon ay araw ng poot, ligalig at dalamhati, araw ng pagkasira at pagkawasak, araw ng kadiliman at kalungkutan, araw ng maitim at makakapal na ulap. Araw ng pagtunog ng trumpeta at ng sigawan ng mga sumasalakay sa mga napapaderang lunsod at nagtataasang tore. Padadalhan ko ng matinding kalungkutan ang mga tao; lalakad sila na parang bulag, sapagkat nagkasala sila laban kay Yahweh. Mabubuhos na parang tubig ang kanilang dugo, at mangangalat ang kanilang bangkay na parang basura. Hindi sila maililigtas ng kanilang pilak o ginto sa araw ng poot ni Yahweh. Matutupok sa apoy ng kanyang mapanibughuing poot ang buong daigdig, sapagkat bigla niyang wawasakin ang lahat ng naninirahan sa lupa.
Zefanias 1:12-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)