Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ANG AWIT NG MGA AWIT 4:9-10

ANG AWIT NG MGA AWIT 4:9-10 ABTAG01

Inagaw mo ang aking puso, kapatid ko, kasintahan ko, inagaw mo ang aking puso ng isang sulyap ng mga mata mo, ng isang hiyas ng kuwintas mo. Napakatamis ng iyong pag-ibig, kapatid ko, kasintahan ko! Higit na mainam ang iyong pagsinta kaysa alak! At ang amoy ng iyong mga langis kaysa anumang pabango!