Ang Awit ni Solomon 4:9-10
Ang Awit ni Solomon 4:9-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Aking mahal, aking sinta, ang puso ko ay nabihag, ng mata mong mapang-akit at leeg mo na may kuwintas. Aking mahal, aking sinta, kay tamis ng iyong pag-ibig, alak man na ubod-tamis, sa iyo'y di maipaparis, halimuyak ng bango mo ay walang makakatalo.
Ang Awit ni Solomon 4:9-10 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ang puso koʼy nabihag mo, o irog ko na aking magiging kabiyak. Ang puso koʼy nabihag mo sa isang sulyap ng iyong mga mata at sa isang hiyas ng iyong kuwintas. Ang pag-ibig mo aking irog ay walang kasintamis. O aking magiging kabiyak, higit pa ito kaysa sa masarap na inumin. Ang samyo ng iyong pabangoʼy mas mabango kaysa sa lahat ng pabango.
Ang Awit ni Solomon 4:9-10 Ang Biblia (TLAB)
Inagaw mo ang aking puso, kapatid ko, kasintahan ko, iyong inagaw ang aking puso ng isang sulyap ng iyong mga mata, ng isang kuwintas ng iyong leeg. Pagkaganda ng iyong pagsinta, kapatid ko, kasintahan ko! Pagkaigi ng iyong pagsinta kay sa alak! At ang amoy ng iyong mga langis kay sa lahat na sari-saring pabango!
Ang Awit ni Solomon 4:9-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Aking mahal, aking sinta, ang puso ko ay nabihag, ng mata mong mapang-akit at leeg mo na may kuwintas. Aking mahal, aking sinta, kay tamis ng iyong pag-ibig, alak man na ubod-tamis, sa iyo'y di maipaparis, halimuyak ng bango mo ay walang makakatalo.
Ang Awit ni Solomon 4:9-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Inagaw mo ang aking puso, kapatid ko, kasintahan ko, Iyong inagaw ang aking puso ng isang sulyap ng iyong mga mata, Ng isang kuwintas ng iyong leeg. Pagkaganda ng iyong pagsinta, kapatid ko, kasintahan ko! Pagkaigi ng iyong pagsinta kay sa alak! At ang amoy ng iyong mga langis kay sa lahat na sarisaring pabango!