Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ANG AWIT NG MGA AWIT 4:1-7

ANG AWIT NG MGA AWIT 4:1-7 ABTAG01

O napakaganda mo, mahal ko; talagang ikaw ay maganda; Ang iyong mga mata ay mga kalapati sa likod ng iyong talukbong. Ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing, na bumababa sa gulod ng bundok ng Gilead. Ang iyong mga ngipin ay gaya ng mga kawan ng mga batang tupa na bagong gupit, na nagsiahon mula sa paglilinis, na bawat isa'y may anak na kambal, at walang nagluluksa isa man sa kanila. Ang iyong mga labi ay gaya ng pising mapula, at ang iyong bibig ay kahali-halina. Ang iyong mga pisngi ay gaya ng kalahati ng granada, sa likod ng iyong talukbong. Ang iyong leeg ay gaya ng tore ni David, na itinayo upang pagtaguan ng mga sandata, na kinabibitinan ng libong kalasag, na ang lahat ay mga kalasag ng mga mandirigma. Ang iyong dalawang suso ay gaya ng dalawang batang usa na mga kambal ng isang inahing usa, na nanginginain sa gitna ng mga liryo. Hanggang sa ang araw ay huminga at ang mga anino ay tumakas, ako'y paroroon sa bundok ng mira, at sa burol ng kamanyang. Ikaw ay totoong maganda, sinta ko; walang kapintasan sa iyo.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya