Ang Awit ni Solomon 4:1-7
Ang Awit ni Solomon 4:1-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kay ganda mo, aking mahal, ang mata mo'y mapupungay! Ang buhok mong anong haba, pagkilos mo'y nagsasayaw parang kawan na naglalaro sa bundok ng Gilead. Ang ngipin mo ay simputi nitong tupang bagong linis, walang bungi kahit isa, maganda ang pagkaparis. Ang labi mo'y pulang-pula katulad ng escarlata, kapag ika'y nangungusap lalo itong gumaganda, aninag sa iyong belo ang pisngi mong namumula. Ang leeg mo'y ubod kinis, may kuwintas na kay inam, parang tore ni David, na ligid ng mga kawal. Parang usang magkaparis ang malusog na dibdib mo, masayang kumakain sa gitna ng mga liryo. Hanggang sa dumating ang bukang-liwayway, hanggang sa mapawi ang pusikit na karimlan, sa dibdib mong ubod bango ako ay hihimlay, pagkat ito ay simbango ng mira at ng kamanyang. Kay ganda mo, aking sinta; kay ganda mo, aking mahal. Wala akong maipintas sa taglay mong kagandahan.
Ang Awit ni Solomon 4:1-7 Ang Salita ng Dios (ASND)
Napakaganda mo, O irog ko. Ang mga mata mong natatakpan ng belo ay parang mga mata ng kalapati. Ang buhok moʼy parang kawan ng kambing na pababa sa Bundok ng Gilead. Ang mga ngipin moʼy kasimputi ng tupang bagong gupit at pinaliguan. Buong-buo at maganda ang pagkakahanay. Ang mga labi moʼy parang pulang laso, tunay ngang napakaganda. Ang mga pisngi mong natatakpan ng beloʼy mamula-mula na parang bunga ng pomegranata. Ang leeg moʼy kasingganda ng tore ni David. Napapalamutian ng kwintas na tila isang libong kalasag ng mga kawal. Ang dibdib moʼy kasing tikas ng tindig ng kambal na batang usa na nanginginain sa gitna ng mga liryo. Bago magbukang-liwayway at bago mawala ang dilim, mananatili ako sa dibdib mong tila mga bundok na pinabango ng mira at insenso. O irog ko, ang lahat sa iyoʼy maganda. Walang maipipintas sa iyo.
Ang Awit ni Solomon 4:1-7 Ang Biblia (TLAB)
Narito, ikaw ay maganda, sinta ko; narito, ikaw ay maganda; ang iyong mga mata ay gaya ng mga kalapati sa likod ng iyong lambong: ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing, na nagpapahinga sa gulod ng bundok ng Galaad. Ang iyong mga ngipin ay gaya ng mga kawan ng mga tupa na bagong gupit, na nagsiahong mula sa pagpaligo, na bawa't isa'y may anak na kambal, at walang baog sa kanila. Ang iyong mga labi ay gaya ng pising mapula, at ang iyong bibig ay kahalihalina: ang iyong mga pisngi ay gaya ng putol ng granada. Sa likod ng iyong lambong. Ang iyong leeg ay gaya ng moog ni David na itinayo na pinaka sakbatan, na kinabibitinan ng libong kalasag, ng lahat na kalasag ng mga makapangyarihang lalake. Ang iyong dalawang suso ay gaya ng dalawang batang usa na mga kambal ng isang inahin, na nagsisisabsab sa gitna ng mga lila. Hanggang sa ang araw ay lumamig at ang mga lilim ay tumakas, ako'y paroroon sa bundok ng mira, at sa burol ng kamangyan. Ikaw ay totoong maganda, sinta ko; at walang kapintasan sa iyo.
Ang Awit ni Solomon 4:1-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kay ganda mo, aking mahal, ang mata mo'y mapupungay! Ang buhok mong anong haba, pagkilos mo'y nagsasayaw parang kawan na naglalaro sa bundok ng Gilead. Ang ngipin mo ay simputi nitong tupang bagong linis, walang bungi kahit isa, maganda ang pagkaparis. Ang labi mo'y pulang-pula katulad ng escarlata, kapag ika'y nangungusap lalo itong gumaganda, aninag sa iyong belo ang pisngi mong namumula. Ang leeg mo'y ubod kinis, may kuwintas na kay inam, parang tore ni David, na ligid ng mga kawal. Parang usang magkaparis ang malusog na dibdib mo, masayang kumakain sa gitna ng mga liryo. Hanggang sa dumating ang bukang-liwayway, hanggang sa mapawi ang pusikit na karimlan, sa dibdib mong ubod bango ako ay hihimlay, pagkat ito ay simbango ng mira at ng kamanyang. Kay ganda mo, aking sinta; kay ganda mo, aking mahal. Wala akong maipintas sa taglay mong kagandahan.
Ang Awit ni Solomon 4:1-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Narito, ikaw ay maganda, sinta ko; narito, ikaw ay maganda; Ang iyong mga mata ay gaya ng mga kalapati sa likod ng iyong lambong: Ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing, Na nagpapahinga sa gulod ng bundok ng Galaad. Ang iyong mga ngipin ay gaya ng mga kawan ng mga tupa na bagong gupit, Na nagsiahong mula sa pagpaligo, Na bawa't isa'y may anak na kambal, At walang baog sa kanila. Ang iyong mga labi ay gaya ng pising mapula, At ang iyong bibig ay kahalihalina: Ang iyong mga pisngi ay gaya ng putol ng granada. Sa likod ng iyong lambong. Ang iyong leeg ay gaya ng moog ni David Na itinayo na pinaka sakbatan, Na kinabibitinan ng libong kalasag, Ng lahat na kalasag ng mga makapangyarihang lalake. Ang iyong dalawang suso ay gaya ng dalawang batang usa Na mga kambal ng isang inahin, Na nagsisisabsab sa gitna ng mga lila. Hanggang sa ang araw ay lumamig at ang mga lilim ay tumakas, Ako'y paroroon sa bundok ng mira, At sa burol ng kamangyan. Ikaw ay totoong maganda, sinta ko; At walang kapintasan sa iyo.